Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Filipino community in Perth to hold 'Fan March' ahead of Matildas vs. Filipinas match

Despite the team landing in Perth in the early hours of February 24, Shellane Encabo Espinosa and the Filipino community joyfully welcomed the Filipinas squad for their AFC Women’s Asian Cup 2026 campaign.

Despite the team landing in Perth in the early hours of February 24, Shellane Encabo Espinosa and the Filipino community joyfully welcomed the Filipinas squad for their AFC Women’s Asian Cup 2026 campaign. Credit: Shellane Encabo Espinosa

The Filipino community in Western Australia is ready to showcase their pride and provide full support through the "Filipinas Fan March" as the Philippine Women’s National Football Team faces host nation Australia this coming March 1.


Key Points
  • Warm Welcome: Despite the team landing in Perth in the early hours of February 24, Shellane Encabo Espinosa and the Filipino community joyfully welcomed the Filipinas squad for their AFC Women’s Asian Cup 2026 campaign.
  • Historic Fan March: The Philippine Consulate in Western Australia and the group FAME will lead a parade at Burswood Park this Sunday at 2:00 PM, ahead of the highly anticipated clash between the Filipinas and the Matildas at Perth Stadium.
  • Showcasing Culture: The group FAME will use the occasion to highlight Filipino dance and culture, aiming to pass these traditions down to younger Filipinos growing up in Australia while demonstrating unity for the national team.
Warm Welcome: Despite the team landing in Perth in the early hours of February 24, Shellane Encabo Espinosa and the Filipino community joyfully welcomed the Filipinas squad for their AFC Women’s Asian Cup 2026 campaign.
Warm Welcome: Despite the team landing in Perth in the early hours of February 24, Shellane Encabo Espinosa and the Filipino community joyfully welcomed the Filipinas squad for their AFC Women’s Asian Cup 2026 campaign. Credit: Shellane Encabo Espinosa

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Shellane Encabo Espinosa

Sobrang excited, sa katunayan po 'yong last two years na dumating po sila dito kami din po 'yung isa sa mga sumundo ah naka-maskara costume.

TJ Correa

Ito ang tinig ni Shellane Encabo Espinosa na isa sa masayang sumalubong sa Philippine Women's National Football Team o ang Pilipinas na lumapag sa Perth noong 2023 at nitong ika-4 ng Pebrero 2026 para sa laban nito sa AFC Women's Asian Cup.

Madaling araw dumating ang grupo pero sinabi ni Shellane na naghanda ang mga Filipino community sa Western Australia na mapuyat para sa mga manlalarong nais nilang suportahan.

Shellane Encabo Espinosa

Ah schedule, hating gabi o madaling araw na sila dumating 1:25 am ang landing nila.

Si Honorary Consul Melissa Aguasa po, hindi po niya in-expect na ganun kadami ang sumalubong kasi dapat mga 12 or 12:30 ng madaling araw kailangan nasa airport ka na.

So hindi niya po ine-expect na ganun kadami ang sasalubong sa ating mga players. Ganun po ka-excited ang mga Pilipino dito sa pagsalubong sa ating mga players.

Isang makasaysayang pagbubukas ng AFC Women's Asian Cup ang masasaksihan ngayong Linggo Marso 1 sa paghaharap ng host nation na Australia o Matildas at ng Philippine Women's National Football Team o ang Filipinas, pero bago ang laro sa Linggo, 5:00 ng hapon, magsasagawa naman ang mga Pinoy ng tinawag nilang Filipinas March bandang alas-2 ng hapon. Pangungunahan ang pagtitipon ng Konsulado ng Pilipinas sa Western Australia sa Burswood Park na magsisilbing pagdiriwang ng pagkakaisa para suportahan ng koponan. Ang grupong FAME o Filipino-Australian Multicultural Entertainers, kung saan kabilang si Shellane, ay pangungunahan ang parada.

Shellane Encabo Espinosa

Sa March 1 po magsisimula yung parada namin sa Burswood playground and then 'yon na nga 'yung first time na makikita din dito 'yong nagkakaroon kami ng swing flag. It's like, kung sa atin pa po drum and bugle pero swing flag po ang ginagamit namin sa parada for the first time po 'tsaka ano 'yon parang katuwaan na rin po namin na ipapakita kung gaano po kadami ang supporter po ng Filipinas team.

Ang grupo ni Shellane ay laging sumasayaw at itinatampok ang kulturang Pinoy sa iba't ibang event sa Perth. Iginiit niya ang kahalagahan na maipasa pa ito sa mga kabataan lalo na sa mga ipinanganak o lumaki na sa Australia.

Shellane Encabo Espinosa

Para po sa akin na napakahalaga po 'yun dahil 'yung tinatawag nating history lalo na po sa FAME dancer, mga youth po ang gina-gather ko.

Mino-motivate ko po sila kung gaano kaimportante 'yung kultura natin bilang isang Pilipino dito sa ibang bansa. Lagi ko pong pinapaalala sa youth, mayroon po kaming 15 na youth na nakasali sa FAME, lagi ko po silang pinapaalala na sino po ang tataas ng bandila natin sa ibang bansa?

At kayo 'yung mga kabataan dahil sinasabi nga sa ating wika,"Ang kabataan ng pag-asa ng bayan."

Matapos ang pagtatanghal sa Filipinas Fan March, didiretso ang mga Pinoy sa Perth Stadium para sa laban ng Filipinas versus Matildas. Ito ang muling pagtatagpo ng dalawang koponan matapos ang kanilang huling laro noong Oktubre 2023 kung saan namayani ang Australia sa score na 8-0.

Sa kasalukuyang FIFA rankings, malaki pa rin ang agwat ng dalawa. Nasa 15th place ang Australia habang nasa 41st naman ang Pilipinas, pero kahit dehado, hindi mapipigil ang suporta ng Pinoy gaya ni Shellane na bumili na ng ticket sa laro at handang i-cheer ang koponan.

Shellane Encabo Espinosa

Noong sinabi na po na naka-post na 'yung ticket, talagang kumuha po kami talaga lahat buong team namin sa Filipino-Australian Multicultural Entertainers, 20 na ticket kaagad ang na-book namin para sure kami na talagang manonood ng lahat.

Katwiran siguro ng bawat mamamayan na talagang kahit sa pagsusuporta po natin sa mga player, parang doon po sila magkakaroon ng kalakasan na gawin ang the best sa paglalaro. Kaya full support ang mga Filipino.

TJ Correa

Ako si TJ Correa para sa SBS Filipino.

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now