Matapos ang Bagyong Tino, ikalawang bagyo naman na
uwan ang humahagupit sa Pilipinas sa loob lamang
ng isang linggo. Ilang kababayan natin ang
nangangamba para sa kaligtasan ng mga mahal sa
buhay. Isa na dito si Karen Cantos mula Melbourne
at tubong Eastern Samar. Bagaman hindi kalakasan
ang tinamong pananalasan ng Eastern Samar,
nagbabalikan ni Karen ang takot at pangamba ng
mangyari ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Sino ang mga nandon? Yung mother mo, sino yung mga
kamag-anak mo na nandon? Yung papa ko, yung mga
uncle ko tsaka lola ko. Yung pamilya ko po nandon,
pati mga kapatid ko po. So ikaw lang ba'y nandito
sa Melbourne o may kamag-anak ka din dito? Meron
pa akong kamag-anak, meron pa akong pinsan dito.
Nasa Melbourne din po sila. Ang Samar ay isa sa
lagi ding daanan, nagiging daanan ng bagyo. At
ngayon nga itong dumaan si Super Typhoon Uuan. Ano
yung nung nalaman mo na may Super Typhoon na
ganito, ano yung una mo napakiramdaman? Sobrang
kaba. Chinecheck mo ba yung family mo every now
and then kapag mga ganitong klase ng sitwasyon?
Opo. Chinecheck ko po sila palagi. Hindi nga po
ako makatulog. Kakaisip sa kanila. Pwede mo ba
ikwento kung ano nangyari nitong kagabi ba o
nitong pagdaan ngayon? Pwede mo ba ikwento kung
ano na experience nila? Kagabi po, hindi na po
sila mapakali kagabi kasi alam nilang parating na
po yung bagyo, malapit na po yung bagyo na dumaan
sa lugar namin. Kaya pinaghandaan po talaga nila.
Yung papa ko kasi mangingisda siya, itinaas po
nila yung banka nila sa seawall. So tabing dagat
pala yung bahay, tabing dagat din ba yung bahay
ninyo? Opo, mga siguro apat na bahay tapos
panglima yung bahay namin. Kapag ganyan bang mga
bagyo, syempre may mga storm surge yan o yung
daluyong ano, naapektuhan ba yung bahay ninyo
kapag mga ganyan? Opo. Noong mga nakaraang bagyo
ba, ilang beses na rin kayong naapektuhan ng
bagyo? Noong bagyong Tino, hindi naman po siya
masyadong sa lugar namin. Pero noong bagyong
Yolanda, grabe po. Hindi po, nandito na ako. Yung
pamilya ko lang po. Ano nangyari sa family mo
noong Yolanda sa bahay ninyo doon? Nasira po yung
bahay namin. Pero iyong pagbangon medyo matagal.
So ngayon, nung nalaman mo na may super typhoon,
parang naulit ba yung pakiramdam muli na ganito
yung mangyayari sa pamilya mo? Opo. Parang
na-trauma ba? So paano yun? Chinecheck mo sila?
Tinatawagan mo ba sila lagi? Paano kung walang mga
baterya o paano siya naghahanda doon? Binilhan ko
po sila ng generator. Kung sakaling walang
electricity, meron silang magkukunan ng
electricity po. Kapag ganito, Karen, kasi ang
hirap na malayo ka sa pamilya kapag mga ganitong
sitwasyon. Ano ang pakiramdam kapag merong mga
bagyo o kung ano pang disaster yun ang nangyayari
sa Pilipinas? Ang hirap po malayo sa pamilya mo.
Lalo na ganito ang nangyayari ngayon. Parang hindi
mo kaya na nakita mo silang nahihirapan. Gusto mo
silang tulungan. Ano yung ginagawa mo kapag
ganyan? Kasi siyempre parang nabanggit mo nga.
Parang hindi mo alam kung anong gusto mo umuwi. O
parang sigurong may ganong pakiramdam Pero hindi
ka naman siyempre basta basta makakauwi. Ano yung
ginagawa mo na lang kapag ganito ang sitwasyon?
Tinatawagan ko na lang po sila. Palagi ko po
silang ina-update po. Tinatawagan ko po sila
palagi. Tapos nagda-dasal. Oki na po sila ngayon.
Hamupa na po yung bagyo sa amin pero pabugsubugso
po yung hangin. Ano naman ang naramdaman mo nung
ganito na? Nakahinga ka ba ng maluwag kahit
papano? Opo, nakaluwag po ako ng maluwag. Ngayon,
chine-check mo pa rin sila, meron ba mga
naapektuhang bahay doon? Opo. Ang kamag...kapit
bahay niyo, pero ang pamilya mo ba naapektuhan
yung bahay nila doon at yung iba mong mga
kamag-anak? Opo. Ang bubong namin muntik nang
natutuklap na siya tapos umakyat po yung Uncle ko
sa bubong. Pinako na lang niya. Medyo may konti
panghangin doon na malakas tapos walang ano ngayon
doon, electricity. —Panong nakikipag-ugnayan ka ba
din sa pamagitan ng telepono? Iyon ba dahil sa
generator na ibinigay mo noon? —Sa ngayon po hindi
siya gumana yung generator kasi nag-low-batt siya.
Nakikipag-update na lang po ako sa mayor doon sa
amin. Kasi siya po yung nag-update doon kung anong
nangyayari. —So ngayon wala kang contact sa
pamilya mo sa ngayon? Opo, nandun pa rin po yung
kaba kasi hindi natin alam yung panahon. Minsan
nawawala po, minsan lumalakas. Karen, maraming
salamat sa pagbahagi mo ng kwento sa amin. Opo,
END OF TRANSCRIPT