Inatake ng isang buwaya ang isang batang lalaki habang ito ay nakasakay sa isang bangka kasama ang kanyang mga kapatid. Nangyari ito habang papatawid sila sa isang ilog sa bayan ng Balabac sa Palawan.
Ayon sa mga awtoridad, tinangka ng ama ng biktima na hanapin ang kanyang nawawalang anak subalit ito ay nabigo matapos ang magdamag na paghahanap. Natagpuan ng isang mangingisda ang labi ng bata malapit sa isang bakawan noong Lunes.
Matagal nang talamak ang pag-atake ng mga buwaya sa bayan ng Balabac. Ayon sa pulis, marami nang naitalang insidente kabilang ang naiulat na pag-atake ng isang buwaya na may haba na 4.75 na metro at pinaghihinalaan na nakapatay ng isang mangingisda.
Isa pang insidente ang naireport noong nakaraang Pebrero kung saan isang 12-taong-gulang na bata na lumalangoy sa ilog ang nabiktima. Sinabi ni Mr Pabello, tagapagsalita ng isang konseho sa gobyerno sa isla ng Palawan, na nakaligtas ang bata nang tinangka ng mga kapatid nya na hampasin ng sagwan ang ulo ng buwaya.
"Since 2015, we've never had a year with zero [crocodile] attacks" in Balabac", sabi ni Mr Pabello sa AFP.
Noong Pebrero ng nakaraang taon, isa pang mangingisda ang inatake ng buwaya sa nabanggit na bayan. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente tatlong buwan matapos mabiktima ang kayang 12-taong gulang na pamangkin. Hindi na muling nakita pa ang batang babae.
Share
