20 isinama sa USA Basketball team

Ipinahayag ng USA Basketball team ang listahan ng 20--manlalaro para sa mga pagsasanay at pampa-init na laro na unang maglalaro sa Melbourne at Sydney bago maganap ang 2019 FIBA Basketball World Cup in China.

James Harden of Team USA to face off with Patty Mills of Australian Boomers Boomers

Source: AAP

Pinangungunahan ni James Harden ng Houston Rockets, kasalukuyang MVP ng NBA,  anim na iba pang 2019 NBA All-Stars ang namumuno  sa koponan kasama sina Bradley Beal (Washington Wizards), Anthony Davis (New Orleans Pelicans), Damian Lillard (Portland Trail Blazers), Kyle Lowry (Toronto Raptors), Khris Middleton (Milwaukee Bucks) at  Kemba Walker (Charlotte Hornets).  

Dalawa sa pinaka-mainit na bataang bituin na sina  Donovan Mitchell (Utah Jazz) at Jayson Tatum (Boston Celtics) ay maglalaro rin sa training camp sa Las Vegas mula 05 hanggang 09 August.

20 Manlalaro para sa USA Basketball 2019 Men’s National Team Training Camp
USA basketball team
Source: SBS Filipino
Ang punong coach na si Gregg Popovich (San Antonio Spurs) ay tutulungan nina  Steve Kerr (Golden State Warriors), Lloyd Pierce (Atlanta Hawks) at  Jay Wright (Villanova University) .

Ang  USA team ay darating sa Melbourne sa ika-19 ng Agosto para makaharap ang Australian Boomers  sa tinatayang mahigit na 110,000 fans taga-hanga sa dalawang malaking laro sa Marvel Stadium sa ika-22 at -24 ng Agosto.  Ang all-star team ay makakaharap ang  Canada Basketball sa Sydney sa ika-26 ng Agosto.

“It will be an amazing experience. I think it will be  a lot of fun,”  pahayag ni  Popovich, na coach ng  US men’s national team mula pa noong 2015.  “Having a few of these game ahead of time is of paramount importance for our preparation."

Sa Australia Boomers, sinabi ni Popovich:  “They’re  well-disciplined, they’re talented, they are seasoned, they have an  excellent opportunity to be very,very successful. They can win this easily as anybody.”

Si Ben Simmons ay mangunguna para sa Australian Boomers’ 17-man training camp squad, na ipinangalan noong nakaraang buwan at tampok ang siyam na manlalaro ng NBA.  Ang  pinal na koponan na bubuuin ng 12 ay pipiliin pagkatapos ng training camp sa Agosto..

Si Simmons  (Philadelphia)  ay sasamahan ng mga iba pang kapwa manlalaro sa NBA  — ang kanyang kakampi na si Jonah Bolden,  Joe Ingles (Utah Jazz),  Matthew Dellavedova at Deng Adel (Cleveland Dellavedova), Aron Baynes (Boston Celtics), Andrew Bogut (Golden State Warriors), at Mitch Creek  (Minnesota Timberwolves). Point Guard  Patty Mills ay maglalaro laban sa kanyang mentor na si  Popovich.

“Patty (Mills)  is one of their primary players. He does a very good job for us as well as for them.”
USA Basketball Team head coach Greg Popovich
Source: Supplied by TEG Live
Tampok din sa  Boomers ang walo pang manlalaro ng NBL  kasama sina Nathan Sobey, Mitch McCarron, Nick Kay, Chris Goulding, at Todd Blanchfield. Sina  Jock Landale at Brock Motum na  naglalaro para sa Yoropa ang bumubuo pa ng 17- miyembrong koponan.

Di-pinalad na makapaglaro si Danté Exum( Utah Jazz) dahil sa pilay, at di-pinayagan ng Detroit Pistons si Thon Maker na mag-laro para sa Australya.

Ang World Cup ay gaganapin sa Tsina mula ika-31 ng Agosto hanggang ika-15 ng September. Ang  Boomers ay nasa  Group H, na tampok din ang  Canada, Lithuania, at Senegal.  Ang Estados Unidos ay makakaharap sa Group E  ang Turkey, Czech Republic and Japan.  Ang Pilipinas ay ka-grupo ang  Angola, Italya at Serbia.

Share

3 min read

Published

Updated

By Ronald Manila




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand