Ang Human fertility ay ang abilidad ng lalake at babae na natural na makabuo at makagawa ng sanggol. Gayunpaman, dahil sa mga dahilan tulad ng alak, polusyon sa paligid, mga toxin, paggamit ng mga produktong kemikal at electromagnetic radiation ang antas ng infertilty ay tumataas. Ang angkop na nutrisyon at wastong istilo ng buhay ay makakatulong sa paglaban sa mga negatibong pwersa na konektado sa infertility. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng mga pagkaing mayroong tamang nutrisyon.
7 Fertility 'superfoods'
Brussel Sprouts
Ang brussel sprouts ay mataas ang halaga sa lahat ng mga gulay na cruciferous pagdating sa kabuuang kalusugan, may natatanging benepisyo sa proteksyon ng DNA at pag-balanse ng thyroid at glucosinolates na mahalagang phytonutrients at proteksyon laban sa kanser gayun din ang iba pang mga benepisyong pangkalusugan sa mga pamilya ng brassica o cabbage.

Source: Pixabay/Free-Photos CC0
Asparagus
Ang asparagus naman ay mabuting mapagkukunan ng folic acid. Ito rin ay isa sa pinakamahusay at natural na diuretic dahil naglalaman ito ng aspartic acid, isang amino acid na tumutulong sa pag-neutralise ng mga toxic na dumi sa daluyan ng dugo habang dinadala sa bato para sa eliminasyon. Maraming benepisyo sa kalusugan ang asparagus na nakakatulong sa parehong lalake at babae.

Source: Pixabay/Couleur CC0
Silverbeet
Ang silverbeet na kilala rin bilang chard ay isang powerhouse ng phytonutrients at antioxidant vitamin C. Mayroon din itong vitamin K para sa kalusugan ng buto, folates, niacin, B6 at thiamine na mahalaga sa pagpapanatili ng optimum cellular function at iron para sa pagporma ng red blood cell. Tulad ng ibang berdeng gulay, marami itong benepisyo sa kalusugan ngunit huwag magpasobra.

Bunch of organic silverbeet on a rustic wooden background close up. Selective focus, shallow dof Source: iStockphoto
Apricots
Mayroong magnesium na tumutulong upang pigilan ang pagkalaglag ng fetus, iron upang maglipat ng oxygen sa dugo, copper, silicon at potassium at anti-oxidising vitamin C, ang sariwa at pinatuyong apricot ay nutirent-dense na meryenda. Ngunit piliin ang mga organikong nagmula sa bukid at espesyalista ng masustansiyang pagkain.

Source: Pixabay/Couleur CC0
Coconut oil
Ang coconut oil ay isang saturated fat na kakaiba kaysa sa ibang nakakasamang taba. Ito ay dahil sa natatanging 50% na lauric acid na nagbibigay ng makapangyarihang properties na antifungal, antiviral at antibacterial.

Coconut oil with fresh coconut half on wooden background Source: Moment RF
Pecan nuts
Ang pecan nuts ay isa sa pinakamahusay na mapagkukunan ng vitamin B6 na tumutulong na balansehin ang antas ng estrogen at progesterone at pababain ang antas ng prolactin. Ang mataas na prolactin ay pumipigil sa obulasyon na hadlang din sa fertility.

Source: Pixabay/tseiu CC0
Seaweed
Ang seaweed ay naglalaman ng bitamina B.D.E at K kung saan ang lahat ng ito ay may kontribusyon sa kalusugan ng hormone at fertility. Ang iodine sa seaweed ay nakakatulong pataasin ang thyroid at tumtulong maiwasto ang hypothyroidism na siyang isa sa pinakakaraniwang dahilan ng infertility at naiuugnay ng direkta sa endemetriosis.
Habang ang estado ng iyong kalusugan ay nakadepende sa balanseng diyeta at malusog na istilo ng pamumuhay, mahalaga pa rin na humingi ng tulong mula sa mga eksperto.

Bowl of seaweed, chopsticks picking up piece Source: PhotoAlto
BASAHIN DIN:
READ MORE

What you can eat on a Keto diet
READ MORE

How she lost 50 kilos on a keto diet
Share
