7 bagay na kailangan mong malaman tungkol sa First Peoples ng Australya

Ang mga katutubong Australyano ay ang mga taong nagmula sa angkan ng Aboriginal at Torres Strait Islander at magkasama itong bumubuo ng tatlong porsyento ng pambansang populasyon. Sila ang First People ng Australya, gayunman karamihan sa atin ang nagsasabing konti lang ang ating alam tungkol sa kanila.

Bawaka Homeland, East Arnhem Land, Northern Territory - First Contact - Series 2 - Photograph by David Dare Parker

Bawaka Homeland, East Arnhem Land, Northern Territory - First Contact - Series 2 - Photograph by David Dare Parker Source: Photograph by David Dare Parker

Narito ang 7 katunayan na kailangan mong malaman tungkol sa First Peoples ng Australya.

Ang pagkakakilanlan ay nakatali sa kultura kung saan pinalaki ang isang tao at kung paano sila kinilala sa kultura
Adam Goodes
Source: SBS
Isa Isa sa pinakamalaking alamat tungkol sa Aboriginality ay kung ikaw ay may maputing balat hindi ka pwedeng maging Aboriginal o Torres Strait Islander.

Nirerepresenta ng kultura ang paraan ng pamumuhay na binuo ng mga grupo at naipadala mula sa isang henerasyon patungo sa isa.
Getty Images
Source: Getty Images

Kabilang sa mga mahalagang katangian ng kultura ng Aboriginal at Torres Strait Islander ay ang isang espesyal na koneksyon sa lupain at pangako sa pamilya at komunidad.

Ang karapatan sa pagkamamamayan ay hindi pinalawak sa mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander sa Pederasyon ng 1901
Faith Bandler Referendum
Documentary, Vote Yes For Aborigines celebrating its historical significance and contemporary relevance of the 1967 Referendum. Source: Australian Institute of Aboriginal and Torres Strait Islander Studies/Audio Visual Archive
Walang karapatan bumoto at makatanggap ng benipisyo sa seguridad panlipunan ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander katulad ng pensiyon at rasyon sa pagbubuntis hanggang sa huling ika-animnapung taon.

‘Dreaming’ o ‘Dreamtime’ ay ang mga salitang Ingles na naglalarawan sa isang mayamang Aboriginal at Torres Strait Islander na konsepto
Tjawa Tjawa
Source: NITV

Para sa mga Aboriginal na tao ang ‘Dreaming’ ay higit pa sa isang alamat ng nakaraan: “Ito ay nag-aatas ng koneksyon bilang taong Aboriginal na may spiritwal na esensya ng lahat sa palibot at lampas pa. Ang mga kwento ng pananginip ay wala sa nakaraan, ito ay nasa labas ng oras- palaging naroroon at nagbibigay ng kahulugan sa lahat ng aspeto ng buhay." ShareOurPride

Wika ang kumikilala sino ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander na mga tao at kung saan sila nanggaling
Angelina Joshua hard at work at the Ngukurr Language Centre
Angelina Joshua keeping the language alive at the Ngukurr Language Centre (Photo by Elise Derwin for SBS) Source: Photo by Elise Derwin for SBS
Mayroong 270 magkaibang grupo ng lengwahe at iba pang magkaibang paraan ng kultura pagdating ng mga taga- Europa. Ngayon, 145 na lengwaheng Aboriginal at Torres Strait Islander ang ginagamit pa rin sa Australya. Gayunpaman, 18 lamang ang nanatiling matatag, ibig sabihin ito ay ginagamit ng mga tao sa lahat ng edad.


Konektado ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa bansa sa pamamagitan ng linya ng angkan (paternal at maternal), gayunman sa lahi at grupo ng lengwahe
Songlines 1
Source: NITV

"When we say country we might mean homeland or tribal or clan area and in saying so we may mean something more than just a place; somewhere on the map. We are not necessarily referring to place in a geographical sense. But we are talking about the whole of the landscape, not just the places on it." – Professor Mick Dobson AM

Nagtatag ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander ng mga epektibong paraan ng paggamit at pag-sustina ng mga kayamanan ng lupain
Indigenous fishing and the clash between native title and fishing laws.
Source: Supplied - NITV
The rights of different groups to live in and manage certain areas of land are clear and recorded through art, stories, songs and dance. "I have been brought up to believe that we have a special connection to the land. We belong to the land. The land does not belong to us." - Cassandra Lawton Gungarri woman (SW Qld)




Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
7 bagay na kailangan mong malaman tungkol sa First Peoples ng Australya | SBS Filipino