Pribadong organisasyon sa Pilipinas nagbukas ng OJT program para mga batang may Down syndrome

Naging viral ang isang pribadong organisasyon sa Davao City dahil sa pagbubukas ng isang OJT program para sa mga batang may Down syndrome.

GreenWindows Dormitel

Housekeeping training Source: GreenWindows Dormitel

Naging viral ngayong linggo ang GreenWindows Dormitel sa Davao City dahil sa pagbubukas ng isang OJT program para sa mga batang may Down syndrome. Sinabi ng tagapagsalita ng hotel na si Pio Sto. Domingo, nakipag-partner ang hotel sa Down Syndrome Association of the Philippines Davao branch upang maghanap ng mga eligibleng kandidato para sa OJT. "Since the association has a lot of members with children with Down syndrome that are already fit to work and are of age for employment, they conducted the screening process for us and they have recommended 7 OJTs that would take part in the program."
7 children with Down syndrome underwent an OJT training in a Davao hotel
Source: GreenWindows Dormitel
Tinutulak ng kompanya na mapabilang sa sektor ng trabaho ang mga taong may espesyal na pangangailangan. "We want our guests to know that we accommodate and accept anybody, we are very inclusive when it comes to our workplace and it's about time for Dabawenyos or Filipinos for that matter to be able to accept the abilities that these children have in employment," dagdag ni Sto. Domingo.

Habang ito ang pinaka-unang OJT program sa Pilipinas para sa mga taong may espesyal na pangangailangan, umaasa si Sto. Domingo na sa pamamagitan ng kampanya ang sosyal na stigma ng Down syndrome ay mapupuksa. "There might be guests in Mindanao that are too conscious of showing their child in public. I thought it would be nice to be able to show those parents that if your child has Down syndrome you don't need to be shy about it. At this day and age more people are educated with Down syndrome," sabi ni Sto. Domingo.
On-the-Job trainee
Source: GreenWindows Dormitel
Ayon kay Sto. Domingo ang mga estudyante na dumaan sa isang 10-day training sa housekeeping at front desk reception ay nagpakita ng malaking antas ng sigasig habang nagtatrabaho kasama ng ibang tauhan ng hotel. "When the OJT started it was smooth they were enjoying the idea of having work, or the idea of getting up in the morning and going to work and a little bit proud of themselves that hey, I have work just like any other person around. It was really heartwarming for our staff. It didn't take time to adjust with the children."
fronthouse reception training
Source: GreenWindows Dormitel
Pagkatapos ng di inaasahang pansin mula sa media, plano ng organisasyon na palawakin ang programa at magbukas ng oportunidad para sa mga bingi at pipi. "We didn't expect it to blow up in social media we just wanted to share this one of a kind opportunity the children underwent," sabi ni Sto. Domingo.

Nakakuha ng mahigit 12k reaksyon at 11k shares ang post sa social media.

 

BASAHIN DIN:

SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pribadong organisasyon sa Pilipinas nagbukas ng OJT program para mga batang may Down syndrome | SBS Filipino