Na-diagnose umano ang 80 anyos habang ito ay nasa hotel quarantine at dinala sa Prince Charles Hospital sa Queensland noong Marso 25.
Ayon sa pahayag ni Queensland Chief Medical Officer Jeanette Young, nakuha nito ang virus habang nasa Pilipinas. Bago makarating ng Queensland, nanggaling pa umano ito sa Papua New Guinea at nagpositibo sa virus habang nasa ika-limang araw nito sa hotel quarantine.
Sa kasalukuyan, ito na ang naitalang ikapitong pagkamatay sanhi ng COVID-19 virus sa estado ng Queensland.
Share
