Apatnapung porsyento sa Austrlaya ang nagmamay-ari ng aso, ngunit 40% ng mga aso ay hindi nailalakad. Ang mga may-ari ng aso sa UK ay kailangang harapin ang mas malamig at maulan na klima ngunit kung tutuusin, mas nakatuon sila na mabigyan ng tamang ehersisyo ang kanilang mga aso kumpara sa mga Australyano. At kung matanda na ang iyong aso, ang pag-eehersisyo kapag mainit ang panahon ay maaaaring maging nakakamamatay. Basahin ang iba pang mga detalye.
Bakit kailangang ilakad ang mga aso?
Ipinapalagay ng ibang tao na sapat na ang magkaroon ng malaking bakuran para magkaroon ng sapat na ehersisyo ang mga aso at para mapanatili silang masaya at malusog.
Ngunit kinakailangan ng mga aso na mailakad sa ilang kadahilanan. Katulad ng pag-eehersisyo, ang paglalakad ay nakakatulong sa kanila para makapag-socialise at mapanatiling aktibo ang kanilang mga utak sa pamamagitan ng pag-sniff out ng mga bagong amoy.
Hindi rin natin dapat maliitin ang kahalagahan ng one-on-one attention sa pagitan ng may-ari ng aso at mga aso. Ang mga malapit sa kanilang aso ay inaasahang mas mailalakad nila ang mga ito. Nakakatulong din ang mga aso na makilala natin ang ating mga kapitbahay. At madaling makisalamuha sa mga kapitbahay kung kilala natin sila.
Katulad ng tao, kapag wala tayong sapat na ehersisyo, maaari ding magkaroon ng problema ang mga aso, katulad ng pisikal, muscular, cardiovascular o metabolic diseases at pati na rin behavioural problems an maaaring magdulot ng frustration at pagkainis.
Mga benepisyo
Ang paglalakad sa aso ay simpleng solusyon para malabanan ang human physical inactivity. Isang benepisyo ay- ang paglalakad ay nakakatulong na mapabuti ang kaisipan at madagdagan ang koneksyon para makisalamuha sa ibang tao.

Kung karamihan sa mga may-ari ng aso sa Australya na hindi nailalakad ang kanilang mga aso ay magsimula sa 20-minutong lakad kada araw, higit sa 12-17% na Australyano ang magiging mas aktibo.
Makakatulong pa ito sa pagpapababa ng mga kaso ng pagkamatay mula sa sakit sa puso at stroke nang hanggang 5%, at hanggang 10% naman sa major colon at breast cancer.
Gaano ba kadalas dapat ilakad ang mga aso?
Bilang bahagi ng Pawgust, ang Guide Dogs Australia ay naghihikayat ng mga may-ari ng aso na maglaan ng oras na ilakad ang kanilang aso - two 30-minute walks a day - isa sa hapon at isa sa gabi.
Ang bilang ng oras sa pag-eehersisyo ay maaaring mag-iba depende sa edad, breed at laki ng aso. Napag-alaman base sa sampung-taong pag-aaral sa Perth na hindi nailalakad ng mga tao ang kanilang aso kapag ito ay may sakit, matanda na, o dahil sa mas maliit na breed ito. Makatwiran man ang dahilan na ito, hindi ito sapat na rason para hindi mailakad ang mga aso. Kung may problema sa kalusugan ang inyong aso, o dahil ito ay matanda na, kahit 20-minutong lakad ay pwede na.
Paano kung di nais ng aso na lumakad?
May mangilan-ngilang aso na ayaw na sila ay nakatali. Karaniwan ito sa mga aso na hindi naihalubilo sa ibang aso noong sila ay pups pa lamang. Ang iba ay wala nang magawa upang igiit ang kanilang sarili habang nakatali, at sa ganoong paraan nawawalan na ito ng kakayahan.
Gayundin, tulad ng edad ng mga aso, nagkakaroon sila ng mga prejudices, aches, at pains, at natututo sila ng mga play styles na hindi angkop sa ibang aso. Ito ang mga halimbawa ng aso na hindi dapat ilakad sa off-leash dog parks. Ang solusyon: ilakad sila tuwing gabi kung saan mas maliit ang tsansa na makasalubong sila ng ibang aso.
Ang ilang breed, katulad ng pitbull, ay pumupukaw ng negative na feedback mula sa mga may-ari ng aso, at may katibayan na ang sobrang timbang ng mga aso, ay nakapagpapahiya sa mga may-ari nito. Ang mga ganitong dahilan ay hindi makakabuti sa inyong mga aso.
