Ang torneo ay itinatag noong taong 1904 at naunang nakilala bilang "Australasian Championships".
Habang ang mga logo ay nagbago sa paglipas ng mga taon, ang kahulugan ay nananatili.
Ngayon, ang torneo ay tinatawag na "The Grand Slam of Asia/Pacific".
Isang mahabang landas para sa tagumpay sa Grand Slam
Bagaman ang Asia ay matagal nang kasama sa pangalan, ang mga kampeon mula sa rehiyon ay iilan lamang.
Ang unang Asyano na nakakuha ng isang titulo ng Australian Open ay si Leander Paes ng India, na nanalo sa Mixed Doubles noong taong 2003 kasama ang kahanga-hangang Martina Navratilova.
Sina Yan Zi at Zheng Jie mula Tsina ang naging unang magkapareha na purong Asyano na manalo sa Melbourne, na nag-uwi ng Women's Doubles noong taong 2006.
Taong 2014, ang paborito ng marami na si Li Na mula Tsina ay sa wakas ay naging una, at nag-iisa pa lamang na Asyanong manlalaro na nakakuha ng titulo na mag-isang naglaro o single player sa Melbourne.

Retired Chinese tennis player Li Na Source: AAP
Gayunpaman, ang Tsina ay may apat na manlalaro na kasalukuyang kasama sa Top 100 na mga manlalaro na makikipagkumpitensya sa Melbourne: sina Peng Shuai (ika-27), Zhang Shuai (ika-35), Wang Qiang (ika-44) at Duan Ying-Ying (ika-84) ay sinusubukan na sumunod sa mga yapak ni Li Na.
Si Naomi Osaka ng Japoan, anak ng isang Haitian at isang Hapon, ay madalas na itinuturing bilang ang pinaka-inaasahang talento mula sa rehiyon ng Asya.
Ang 20-taong-gulang, kasalukuyang pang-pitumpu sa mundo, ay kilala sa kanyang malakas na paglalaro.
Ang Iba pang mga manlalaro na kasama sa Top 100 ay si Hsie Su-Wei (ika-90) mula sa Taipei at si Nao Hibino ng Japan (ika-98).
Isang 21-taong gulang ang nasa spotlight
Naghihintay pa rin ang Asya para sa unang lalaki na Grand Slam champion.
Si Kei Nishikori ay malapit na sana nang makarating siya sa pinale ng U-S Open noong taong 2014, gayunpaman, ang Hapon ay kasalukuyang may ini-inda na pinsala sa kanyang pulsuhan at hindi maglalaro sa Australian Open ngayong taon.
Ang kababayan ni Nishikori na si Yuichi Sugita ang ikalawang pinakamataas ang ranggo na Asyano kasalukuyang ika-41. Susubukan niyang magtagumpay sa ikalawang round sa unang pagkakataon sa Melbourne.
Ang ikatlong pinakamahusay sa Asya ay kasalukuyang nasa spotlight. Ang 21-taong-gulang na si Chung Hyeon (nasa ika-62 puwesto) ay isang nakikilalang manlalaro.
Kamakailang naangkin ng South Korean ang pampasinaya na ATP NextGen Finals sa Milan, ang unang titulo na napanalunan ng isang Koreano mula pa noong taong 2003.
Ang ibang umaasang Asyano ay sina Lu Yen-Hsun mula Taipei (ika-74) at ang Hapon na si Taro Daniel (ika-98).
Ang Australian Open ay umaakit ng malaking bilang ng mga Asyanong manonood
Ang torneo ay hindi lamang dinaluhan ng maraming mga bisitang Asyano, ito ay malawak din na isinahihimpapawid sa buong Asya at umaakit ng malaking bilang ng mga manonood.
Sinabi ng direktor ng tornero ng Australian Open Craig Tiley, nakatuon siya sa pagpapalaki ng torneo sa Asya.
"Ito ay isang napaka-kompetibong larangan sa Asya", sabi niya tungkol sa mga manlalarong Asyano.
Ang Grand Slam ay nagtataglay din ng matagal nang pakikipagtulungan sa mga pangunahing Asyanong isponsor.