Isang asylum seeker na nasa Nauru ang balitang nagpakamatay.
Ayon sa mga advocates, nakitang patay ang lalaki sa loob ng tolda na kanyang pamilya nitong Biyernes ng umaga.
Ang asawa ng lalaki ang nakahanap sa kanya. Dahil dito, nilagay sa lockdown ang regional processing centre.
Ayon sa Asylum Seeker Resource Centre, ang nagpakamatay na lalaki ang patunay ng kabiguan ng polisiya pagdating sa offshore detention.
"There are hundreds of people in urgent need of medical care to address complex conditions including major depression and suicidal ideation who are being denied care," saad ni detention advocacy manager Natasha Blucher.
"We call on the minister to evacuate everyone in offshore processing to Australia immediately to prevent more lives being lost."
Ang lalaki ang panglabing-dalawang tao na namatay sa mga offshore detention centre ng Australya. Panglima siya sa Nauru.
Tinawagan na rin ang Department of Foreign Affairs para sa komento.
BASAHIN DIN