Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Aussies 'secure' sa kanilang trabaho, ngunit nababahala pa rin

Ang mga Australyano ay secure na sa kanilang mga trabaho ngunit nababahala pa rin na hindi sila makahanap ng magandang bagong trabaho sakaling matanggal sila, ayon sa bagong data na nakalap.

Jobs

Source: daily mirror

Ang mga Australyano ay tiwalang secure sa kanilang trabaho ngunit nababahala na hindi sila makahanap ng magandang  bagong trabaho sakaling pwersahan silang mawalan ng trabaho dahil sa poor management o dalhin ito sa ibang bansa.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng Australian National University, 88 porsyento ng mga nagtatrabahong Australyano ay malamang na hindi mawawalan ng trabaho sa susunod na 12 buwan. 

Ang mga nagtatrabaho sa construction at real estate ang may pinakamataas na kumpiyansa sa kanilang mga trabaho, habang ang mga nasa accommodation at hospitality ang may pinakamababang kumpiyansa. 

"While Australians feel reasonably secure in their current job, in the event that workers are laid off, they are far less optimistic about their future employment prospects," ayon sa report na inilanas noong Martes.

Businesspeople working in office
Businesspeople Working in Office Source: AAP Image

"More than half - 54.6 per cent - of workers surveyed say that finding a new job with equivalent remuneration and benefits would be 'not easy at all'."

Ang mga nagtatrabaho ay nababahala na mapunta ang trabaho sa ibang bansa o kung magkaroon sila ng masamang boss.

"The most acute concerns among Australian workers are that they will be laid off because their employer finds someone overseas to do their job for less pay, or because poor management will lead to their unemployment," napag-alaman sa report.

Ngunit hinsi sila gaanong nag-aalala na papalitan sila ng mga robot o computer sa kanilang trabaho. 

Mahigit sa 30 porsyento ng retail workers ang lubos na nag-aaalala na ang kanilang boss ay makahanap ng isang tao na gagawin ang trabaho nila sa mas murang halaga. 

Natuklasan din sa pananaliksik na mahigit kalahati sa mga Australyano ay hindi nasisiyahan sa kung saan patungo ang bansa. 

Ang poll ng ANU ay nakapanayam ang 2500 katao at ang resulta ay binilang upang  kumatawan sa national averages. 


2 min read

Published

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now