Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Australia tutulong sa mga lumikas sa katimugang Pilipinas

Foreign Affairs Minister Julie Bishop

Source: EPA

Ang Australya ay magbibigay ng halos $1 milyon para sa pagkain at suplay para tulungan ang mahigit na  320,000 katao na lumikas dahil sa hidwaan sa siyudad ng Marawi sa katimugang Pilipinas, iniulat ng AAP.

Ang salapi ay gagamitin para pambili ng mga tarpaulin, banig, kulambo at mga gamit pang-sanitasyon at pati na rin bigas at tubig.

Sinabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas Julie Bishop ngayong Martes, ang tulong ay bukod pa sa pakete ng suporta na inihayag niya noong siya ay dumalaw noong Marso

Sinabi ni  Alinader Minalang, ang direktor ng kalusugan ng lalawigan ng Lanao del Sur, na kabilang ang Marawi, mayroong  300 kaso ng diarrhoea na naitala sa halos 40,000 katao na nagsisiksikan sa mga emergency shelter na itinayo  sa mga community hall, gymnasium at paaralan ng mga Muslim, ayon sa ulat ng Reuters.


1 min read

Published

Source: AAP, Reuters



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now