Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Australya nag-alok ng tulong militar sa Pilipinas

Nag-alok ang Australya na tulungang sanayin ang militar ng Pilipinas para sa laban nito sa mga ekstremistang Islamic sa Pilipinas

Foreign Affairs Minister Julie Bishop

Australian Foreign Minister Julie Bishop speaks to the media during a press conference at Parliament House in Canberra. Source: AAP Image/Lukas Coch

   Ang papel  ay tulad ng ibinibigay na tulong ng Australya sa Iraq sa paglaban nito sa Islamic State, na tinitingnan na palawakin sa katimugang Pilipinas. 

    Ang Australya ay nag-padala na noon ng dalawang surveillance planes para tulungan ang Pilipinas.   

     Sinabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas Minister Julie Bishop ngayong Martes, binalangakas na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong na ibinibigay ng Australya sa Iraq subalit hindi pa siya tumutugon sa alok.

     "It is a very dangerous fight but Australia has already offered - and is supplying - support to the Philippines and we stand ready to assist should they require more," pahayag ni Bishop sa mga mamahayag sa Canberra.

    "Obviously, we would be ready to support the Philippines in the same way we are supporting Iraq in advising, assisting and training as the armed forces (in) Philippines are in the process of engaging in a pretty brutal fight with ISIS."

    Ang Estados Unidos, Malaysia at Indonesya ay nag-alok na rin ng tulong, pahayag ni Bishop.

    Serysoso ang pamahalaan ng Pilipinas sa pakiki-paglaban sa ISIS, suablit hindi pa nito nababatid kung ano ang kakailanganin ng puwersa nito.

    Hinikayat ng Amnesty International ang Australya na i-presyur na  tiyakin ni Duterte na ang mga sibilyan ay ma-po-protektahan sa hidwaan.

    Nababahala ang grupo ng karapatang pantao sa mga ulat na  binibigyan ng pangulo ang mga sundalo ng lisensiya na patayin ang mga sibilyan ng hindi mapaparusahan habang nakiki-paglaban sa mga militante na naiuugnay sa IS sa Marawi. 

   

 


2 min read

Published

Source: AAP




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now