Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development, nakatakdang ipadala ang ilang mga emergency supplies tulad ng solar lamps at trapal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Kasama sa mga maghahatid ng tulong ay ilang mga boluntaryo mula sa Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Air Force Reservists, at mga Army Reservist.
Pinsala ng lindol
Noong Oktubre 16, isang malakas na 6.4 magnitude na lindol ang tumama sa Mindanao na nag-iwan ng walong kataong patay at dose-dosenang sugatan.
Ilan pang mga sunod-sunod na pagyanig ang naitala sa gitna at silangang bahagi ng Mindanao makalipas ang ilang araw.
Ayon sa mga ulat, daan-daang residente ang nakaranas ng trauma bunga ng sunod-sunod na mga pagyanig sa lugar.
Share
