Isang 61-taong-gulang na lalaki na papuntang Pilipinas galing Melbourne ang naaresto at nakasuhan matapos makuhanan ng child exploitation material sa kanyang mobile phone noong Miyerkules.
Sinita ng mga opisyal ng Australian Border Force (ABF) ang lalaki at sinuri ang kanyang telepono, dahil siya ay pinaghihinalaang bumibili online ng mga child exploitation material mula sa Pilipinas.
Natagpuan diumano ng mga opisyal ang maraming litratong sekswal na kinasasangkutan ng mga taong wala pang 18 taong gulang.
Sinabi ni acting ABF Regional Commander na si Victoria Ranjeev Maharaj na ang pag-aresto ay nagpapakita na nakatuon ang ABF na pigilan ang paghahatid at paggamit ng mga materyal na ito.
“Child exploitation material has no place in Australian society,” sabi ni A/g Regional Commander Maharaj.
“The ABF is committed to protecting the Australian community and our officers work tirelessly to detect and investigate anyone with links to this material.”
Humarap ang lalaki sa Melbourne Magistrates Court noong Hulyo 25 at muli siyang haharap sa Oktubre 19, 2018.
Ang pinakamataas na parusa para sa isang indibidwal na magdadala o magpapadala ng child exploitation material ay $180,000 at/o pagkakabilanggo ng 10 taon.
Share
