Noong ika-23 ng Abril, naatasang umalis na ang madre sa bansa sa ika-25 ng Mayo dahil pinaniniwalaan ng Kawanihan ng Imigrasyon na nilabag niya ang kanyang missionary visa.
Ayon sa Australyanong madre, inaasahan niya na tatanggihan ng Kawanihan ng Imigrasyon ang kanyang Motion for Reconsideration ngunit umaasa pa rin siya na maliliwanagan ang mga Komisyonado na ang reklamo laban sa kanya na siya ay nakikibahagi sa mga aktibidad pampulitika ay walang katotohanan at legal na batayan.
Sinabi ni Sr Fox na kung ano ang ginawa niya – “participating in gatherings or assemblies of farmers, indigenous peoples who demand that their rights to land and resources be respected; workers in their demand for humane and just wages, security of tenure, and humane conditions of work, and the like – are not political activities but are simply to help promote and protect the rights of the poor and the needy.”
Sinabi ng kanyang abogado, Jobert Pahilga, na gagamitin nilang lahat ang magagamit na legal na remedyo para hamunin ang pagkansela ng kanyang missionary visa.