Makakukuha ng libreng bakuna ang mga Australyanong teenager upang maprotektahan sila laban sa sa nakamamatay na impeksyon na meningococcal.
Ang pinagsamang bakuna para sa meningococcal strains A, C, W at Y ay makukuha ng libre ng mga Australyano na may edad 14 hanggang 19 simula sa susunod na Abril.
Inaasahang may higit isang milyon ang makakakuha ng bakuna sa susunod na apat na taon.
Ang listahan para sa mga kabataan ay inirerekomenda ng Pharmaceutical Benefits Advisory Committee.

A health care professional prepares to administer a vaccine that combats four strains of meningococcal. Source: AAP
Ayon kay Health Minister Greg Hunt, ang bacterial infection, bagamat bihira ito, ay nakamamatay.
28 Australyano ang namatay dulot ng impeksyon na ito, kumpara sa 11 noong 2016 at 12 noong 2015.
"The consequences are devastating for individuals and their families," sabi niya.
Ang pamahalaang pederal ay hinihimok na ilista ang bakuna para sa B strain ng meningococcal sa National Immunisation Program.
Ngunit sinabi ng punong ministro na ang pagbabago ay hindi maaaring mangyari hangga't hindi nakakakuha ng rekomendasyon sa dalubhasang komite.
Hinimok niya ang kumpanya na gumagawa ng bakuna, ang GlaxosmithKline, na muling subukan na mailista ito sa programa.
Kinumpirma ng kumpanya noong Agosto na pag-aaralan nila ito ngunit pagkatapos lamang na makuha ang resulta ng isang pag-aaral sa South Australia hinggil sa epekto ng bakuna, na Bexsero, sa meningococcal B immunity sa 2019.