Ang bayad para sa mga visa application ng ilang mga visa sa Australya ay tumaas simula ika-1 ng Hulyo 2018.
Inihayag ng Ingat-yaman na si Scott Morrison ang annual indexation ng mga bayad sa visa kasabay ng forecast consumer price index noong nakaraang Mayo 2017 badyet.
Umaasa ang gobyerno na makabuo ng $410 milyong dolyar sa apat na taong panahon mula 2017 hanggang 2021.
Ang mga bayad sa visa ay na-index at ini-round off sa pinakamalapit na $5. Ang round off indexation ay nagtaas ng bayad para sa karamihang visa sa 2018-19 forecast consumer price index.
Ang pagtaas ng bayad sa visa ay naaangkop lamang sa unang yugto ng bayad sa visa application para sa parehong pangunahin at pangalawang aplikante. Hindi ito nalalapat sa pangalawang yugto ng bayad sa visa.
Ang bayad sa student visa para sa pangunahing aplikante ay tataas ng $15 mula $560 ay magiging $575. Ang aplikante ng adult dependent ay maglalabas na ng $430 sa halip na $420 mula 1 July ngayong taon.

Source: DHA
Tataas din ang bayad para sa mga independent skilled visa, regional sponsored at employer nominated visa.
Ang pangunahing aplikante para sa independent skilled visa subclass 189 ay magbabayad ng $3,755, ito ay tumaas ng mahigit $85 sa dating bayad na $3,670. Ang bayad sa karagdagang adultong aplikante ay ngayon magiging $1,875 sa halip na $1, 835 at $940 sa halip na $920 para sa karagdagang batang aplikante.
May pagtaas din ng presyo sa visa subclass 190 (state nominated), employer nominated (subclass 186), regional employer nomination (subclass 187) at skilled provisional temporary graduate (subclass 485) na mga visa.
Ang bayad sa partner visa na isa sa mga nagtala ng malaking pagtaas ay $7,160 sa halip na $7,000. Simula noong Hulyo ng nakaraang taon, ang bayad sa nasabing visa ay tumaas ng $235.

Federal Labor will push for a parliamentary vote on same-sex marriage ahead of a planned plebiscite. (AAP) Source: AAP
Ang bayad sa Business Innovation and Investment (subclass 188 Provisional) na visa sa premium investor stream ay magtatala ng pinakamataas na presyo ng $190. Ang mga aplikante ay ngayon magbabayad na ng $8,770 sa halip na $8,580.
Share
