Pagpasok ng mga migrante sa Australya bumaba sa ika-10 taon sa ilalim ni Turnbull

Bumagsak sa mahigit 10 porsyento ang pagpasok ng mga permanenteng migrante sa Australya dahil sa mas matatag na proseso ng ipinataw ng pederal na gobyerno.

Visa

Source: Supplied

Nahulog sa pinakamababang antas simula 2007 ang annual intake ng mga permanenteng migrante sa Australya sa ilalim ng liderato ng gobyernong Turnbull, ito ang lumabas sa pinakabagong migration data.

Sa kabila ng cap na nanantili sa 190,000 sa huling pinansyal na taon, ang aktwal na intake ay nahulog sa 163,000.

Dumating ang pagkahulog sa kabila ng walang kasiguruhan na alyansa ng trade union movement at Australian Industry Group, isang katawan ng peak employers na humihimok sa gobyerno na panatilihin ang intake sa 190,000.

Ito din ay sinundan ng isang internal na debate sa loob ng koalisyon kung puputulin ang cap na pinangunahan ng dating punong ministro na si Tony Abbott, na nais bawasan sa mas mababa sa 110,000.

Ang pagtalon ng annual members ay inaasahan pagkatapos sinabi ng mga opisyal ng Home Affairs sa isang Senate inquiry na mayroong substansyal na pagbawas sa pagpasok ng mga skilled migrants at ng kanilang pamilya dahil sa mas matatag na proseso ng eksaminasyon gamit ang isang database technology.

"We’re not going to allow people in where there’s a fraudulent application, where there’s dodgy information being provided," Sinabi ni Dutton sa mga reporters sa Queensland ng Biyernes.. 

"If you are bringing people in, like Labor did, that don't have the proper qualifications, that don't have the documentation that satisfies the examiners within my department, if they're worried about fraudulent documentation, those outcomes are not going to be productive for the economy."

Naintindihan ng SBS News na ang Home Affairs department ay inaangat ang paggamit nito ng data-matching technology para sa cross-reference ng mga visa applications sa ibang impormasyon sa mga aplikante na hawak ng mga Australyanong ahensiya.
Former prime minister Tony Abbott during Question Time in the House of Representatives at Parliament House in Canberra, Thursday, June 28, 2018.
Former prime minister Tony Abbott during Question Time in the House of Representatives at Parliament House in Canberra, Thursday, June 28, 2018. Source: AAP
Sa pinakabagong pigura para sa 2017-18 pinansyal na taon na nagtapos ng Hulyo 1 lumabas na ang skilled stream ay nahulog ng 12,486 mula 111,099 ngayong taon.

Sinabi ng Labor frontbencher Anthony Albanese na ang paghulog ay "good result". 

"Of course it's a good result, if there is more integrity in the system," sabi niya sa Nine's Today program Biyernes ng umaga..

"This is, bear in mind, a drop of 20,000 on the government's own figures last year," sabi niya. 

"They have been in government for five years. If they have toughened up the system which they themselves were in charge of, to ensure more integrity in the system, then of course that's a good thing."
Inilabas ang pigura sa Australyanong dyaryo at ilalabas sa published migration statistics ng gobyerno.

Ang pagpasok ng 163,000 ay ang pinkamababa simula 2007 nang ito ay sa ilalim lamang ng 159,000.

Nasa 190,000 naman ang antas ng permanent migration sa Australya simula 2011.

Minister for Home Affairs Peter Dutton during Question Time in the House of Representatives at Parliament House in Canberra, Tuesday, June 26, 2018.
Minister for Home Affairs Peter Dutton during Question Time in the House of Representatives at Parliament House in Canberra, Tuesday, June 26, 2018. Source: AAP
Halos kada taon naaabot ang cap ngunit sa mga kamakailang pinansyal na taon 2016-17, lumubog sa 183,000 ang intake. Wala namang obligasyon ang gobyerno punuin ang kota.

Ang 190,000 na pwesto ay sakop ang mga permanenteng visa para sa mga nagtatrabaho at kanilang mga pamilya. Ang humanitarian intake naman ng refugees ay binibilang ng hiwalay.

Ngunit ang pigura ay hindi nagsasabi ng buong kwento ng migrasyon sa Australya.

Sa istatistika ng "net overseas migration" na kilala bilang NOM, sinusundan ang daloy ng mga tao na pumapasok at lumalabas ng bansa.

Kabilang ang pumapasok sa bansa sa mga temporaryong visa, kabilang ang temporary working, student at tourist visa. Kabilang din ang mga Australyanong umaalis sa bansa o bumabalik sa tahanan pagkatapos ng oras sa ibang bansa.

Kamakailan, tinatayang 511,990 katao ang dumating sana sa Australya sa dulo ng pinansyal na taon ayon sa Home Affairs Department.

Bawas dito ang 286,200 na mga taong umalis at maiiwan ang Australya ng "net" migration na 225,700.

 

 


Share

Published

Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagpasok ng mga migrante sa Australya bumaba sa ika-10 taon sa ilalim ni Turnbull | SBS Filipino