Minimum na sahod sa Australya tataas ng 3.5 porsyento

Itinaas ng Fair Work Commission ang minimum na sahod sa Australya sa 3.5 porsyento.

Australia's minimum wage

Source: AAP

Ang mga manggagawa na kumikita ng minimum na sahod ay nakatakdang  makakuha ng pagtaas sa sahod na $24.30 kada linggo simula ika-1 ng Hulyo.

Nitong Biyernes, nagbigay ng taunang desisyon ang Fair Work Commission sa minimum na sahod sa bansa, na itataas ito sa 3.5 porsyento na tinatayang nasa $719.20 sa isang linggo o $18.93 kada oras.

Ang mga Unyon ay nanawagan para sa $50 na pagtaas, habang ang mga employer ay naghain ng $13 kada linggo na pagtaas para sa mahigit 2.3 milyon na Australyano.

Sabi ni President Justice Iaian Ross, kumpara noong nakaraang taon, ang economic indicators sa ngayon ay nasa "unequivocally to a healthy national economy and labour market".

"The circumstances are such that it is appropriate to provide a real wage increase to those employees who have their wages set by the national minimum wage or by a modern award," sinabi niya sa Sydney.

Ang panel ay nagpasya na hindi ibigay ang unang iminungkahi ng ACTU at ng Australian Catholic Council for Employment Relations, sa paniniwalangang ang mas malaking pagtaas ay magkakaroon ng di magandang epekto.  

"Such adverse effects will impact on those groups who are already marginalised in the labour market and on households vulnerable to poverty due to loss of employment or hours,"sabi ni Justice Ross.

Nagpasya din ang komisyon na taasan ng 3.5 porsyento ang lahat ng modern award minimum wages.

Tinanggap ng sekretarya ng ACTU na si Sally McManus ang desisyon, at nagsabi na ito ang pinakamalaking porsyento ng dagdag sa sahod na iginawad ng komisyon.

"It's a good step forward because the Australian unions went out and fought for it, but it's not enough," sinabi niya sa mga reporter sa Melbourne.

Tinanggap din ng partidong Labor ang desisyon na makakatulong sa Australian households na madalas ay kinakapos.

"Today is a day of welcoming a decision that has gone some way to providing relief in a period of the lowest wage growth of more than 20 years," inihayag ng tagapagsalita ng opposition employment na si Brendan O'Connor sa mga reporter sa Adelaide

Gayunpaman, nagbabala ang Australian Retailers Association ang naturang pagtaas ay nakapangangamba at maaring magkaroon ng di magandang epekto sa mga nagtatrabaho sa retail na sektor.  

"I suspect that what this will mean is that retailers will have to look at the numbers of hours or even the number of employees they are employing and reduce accordingly as the costs will not be sustainable," ayon kay executive director Russell Zimmerman.

Sinabi naman ni Greens MP Adam Bandt na ang naging desisyon ay makakaapekto sa mga full-time na manggagawa na kasalukuyang naghihirap, kahit na nananatiling malakas ang ekonomiya.

"Until we enshrine in law a minimum wage above poverty level, inequality will continue to grow in Australia," dagdag pa niya.

 

Source: AAP - SBS

 

 


Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand