Mga kailangan tandaan ngayong tag-init

Matindi ang init nitong mga huling araw ng taon!

Are ice creams healthy?

Are ice creams healthy? Source: Pixabay/Steve Buissinne

May heatwave na parating!

Mapapalibutan ng matinding init ang New South Wales, Victoria, South Australia at Tasmania nitong mga huling araw ng taon,

Tandaan ang mga mahalagang tips na ito: 

1. Uminom ng tubig.
hydrate
Stay hydrated and cool. Source: Pixabay
Ibaba ang temperatura ng katawan mo sa pag-inom ng tubig. Tinatanggal nito ang init at pawis mula sa'yong katawan. Dehydration ang resulta kung kulang ang tubig mo sa katawan.

Ugaliing magdala ng bote ng tubig, mas lalo na kung lalabas ka ng bahay.

2. Basain ang iyong mga pulso.
Wash wrists
Rinse your wrists to stay cool. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Sa pag-pokus sa mga pulso mo, mapapababa mo ang dugo sa iyong mga braso, na siya namang iikot sa iba pang bahagi ng iyong katawan.

3. Kumain ng maliliit na meals mas madalas.
Hunger
Eat smaller meals more often. Source: Pixabay
Kapag kumain ka ng marami, mas nagtatrabaho ang katawan mo upang ma-process ito.

Kaya kapag mas mainit ang panahon, kumain ng mas kaunti ng mas madalas.

4. Ilagay ang hot water bottle sa freezer.
Hot water bottle
These bottles are versatile! Source: Pixabay
Imbis na mainit na tubig ang ilagay mo sa loob ng bote, lagyan ito ng tubig mula sa gripo at ilagay ito sa freezer. Gamitin ito upang magpalamig.

5. Lagyan ng asin ang tubig na may yelo upang mapabilis ang paglamig ng mga inumin.
Salt
To quickly chill drinks, add them to ice water with salt. Source: Pixabay
Mga 45 na minuto ang kinakailangan upang lumamig ang inumin sa fridge.

Asinan ang tubig na may yelo at iwan doon ang iyong inumin upang lumamig ito ng 2-3 na minuto.

BASAHIN DIN






Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand