Aabot sa 69 katao ang namatay matapos ang malakas na lindol na tumama sa gitnang Pilipinas nitong Miyerkules (AEST) kung saan dumarami ang mga sugatang pasyente sa mga ospital sa isla ng Cebu.
Tumama ang lindol sa hilagang dulo ng isla malapit sa Bogo, isang lungsod na may 90,000 katao, ayon sa US Geological Survey (USGS).
Ang bilang ng mga nasawi ay base sa datos ng Cebu provincial disaster office at sumailalim sa validation, sabi ni Jane Abapo, isang information officer sa regional civil defense office. Sinabi ng isa pang opisyal na higit sa 150 katao ang nasugatan.
Nag-iiyakan ang mga sugatang bata at nagsisigawan din ang mga matatanda habang nilalapatan ng lunas sa mga higaan na inilatag sa ilalim ng mga asul na tolda sa driveway ng Cebu Provincial Hospital sa Bogo.
Itinulak sila palabas ng gusali sa gitna ng pangamba sa karagdagang pinsala habang ang daan-daang aftershocks ay yumanig sa rehiyon magdamag.

Source: SBS
"We are receiving additional numbers of reported casualties, so this thing is very fluid," saad ni civil defence official Raffy Alejandro sa mga mamamahayag sa Maynila.
53 kumpirmadong namatay sa tala ng ospital sa Bogo, 30 sa kanila ay mula sa Bogo, at 154 ang sugatan.
Dagdag ni Alejandro na punong-puno ang ospital.
'Niyanig ang mga mall'
Ikinuwento ni Richard Guion na ang kanyang kaliwang siko, na nakabenda nang husto, kung paano siya at ang kanyang asawa, na nabalian ng paa, ay hinukay mula sa ilalim ng gumuhong sementong pader ng kanilang tahanan ang kanilang 17-anyos na anak, na naglalaro sa labas gamit ang kanyang mobile phone nang mangyari ang lindol.
"Nang bumagsak ang semento, tinawagan ko siya," sabi ng 39-anyos na si Guion, at idinagdag na nagpapasalamat siya na hindi pinansin ng kanyang anak ang kanyang naunang utos na matulog nang maaga.
Ang rescuer na si Teddy Fontillas, 56, ay nagsabi sa Agence France-Presse na hindi siya nakatulog, at idinagdag na ang ilang mga pasyente ay kailangang ilipat sa ibang mga ospital dahil ang isa sa Bogo ay siksikan na.
“Nahihirapan na ako, pero kailangan ang ginagawa namin para matulungan ang mga pasyente namin,” saad nito.
Patuloy naman ang update ni Cebu provincial governor Pamela Baricuatro sa kanyang official Facebook page, "because of the high volume of patients with serious injuries, the medical staff tended to some of them outside the hospital."

The Bogo hospital listed 53 confirmed deaths, 30 of them from Bogo, and 154 injured. Source: EPA / Juanito Espinosa
"Narinig ko ang malakas na ingay mula sa simbahan, hanggang sa nakita ko nagbagsakan na mga bato mula dito. Buti na lang at walang nasaktan," kwento sa AFP nang nakasaksi na si Martham Pacilan, 25-anyos.
Ipinakita ng lokal na telebisyon na ang mga sakay ay pinilit na bumaba sa kanilang mga motorsiklo at humawak sa mga rehas habang ang isang tulay ng Cebu ay matinding yumanig.
Nasira ang mga gusali hanggang sa lungsod ng Cebu, 100 kilometro sa timog, kung saan nagtago ang online shoe merchant na si Jayford Maranga, 21, sa ilalim ng restaurant table upang maiwasang matamaan ng gumuhong metal na kisame ng isang shopping mall.
"Kumain kami ng kaibigan ko sa food court malapit sa closing time, at biglang, bang! Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. At niyanig na ang mall," saad ni Maranga saad AFP, kung saan dagdag nitong nasugatan ang kanyang kaibigan.

Officials said people could be trapped beneath collapsed buildings. Source: AP / Rufino Alub
"Maaaring may mga taong nakulong sa ilalim ng mga gumuhong gusali," sinabi ng opisyal ng rescue ng probinsiya na si Wilson Ramos sa AFP.
Nagpatuloy ang rescue effort magdamag habang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ang rehiyon ay niyanig ng 379 na aftershocks.
Ang mga lindol ay isang halos araw-araw na pangyayari sa Pilipinas, na matatagpuan sa Pacific "Ring of Fire", isang arko ng matinding aktibidad ng seismic na umaabot mula sa Japan hanggang Southeast Asia at sa buong Pacific basin.
Karamihan ay masyadong mahina para maramdaman ng mga tao, ngunit ang malalakas at mapanirang dumating nang biglaan, na walang teknolohiyang magagamit upang mahulaan kung kailan at saan sila maaaring tumama.