Dinepensahan ni KAP lider na si Bob Katter ang kanyang kasamahan na si Fraser Anning matapos umani ng batikos ang senador sa panawagan nitong ibalik ang White Australia Policy.
Si Mr Anning, na pumalit kay Malcolm Roberts, ay nagpahayag sa kanyang unang talumpati sa Parliamento noong Martes na tuluyang i-ban ang imigrasyon ng mga Muslim.
Sinabi ni Mr Katter sa isang press conference noong Miyerkules na sinusuportahan niya ang mga pahayag ni Senador Anning,
"It was a magnificent speech, solid gold," sabi niya.
“90 per cent of Australia have been waiting for someone to say it and believe it.”
Umani ng batikos sa magkabilang partido ang naging pahayag nito at sa panawagan niya para sa "final solution to the immigration problem.”
Ang mga salitang "final solution" ay karaniwang nakaugnay sa Nazi Germany persecution at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa noong World War II.

File image of Federal MP Bob Katter Source: AAP
Ayon kay Josh Frydenberg, na isang Hungarian, dapat bawiin ng Senador ang kanyang pahayag at bumisita sa sa isang Holocaust museum.
"Like a number of colleagues in this place I have relatives who went through the Holocaust," sinabi ni Mr Frydenberg sa mga reporter sa Parliament House noong Miyerkules.
"His comment about the final solution to immigration was insensitive, was ignorant, was divisive and was hurtful."
Banat naman ni Mr Katter kay Mr Frydenberg na, “ he should be ashamed of himself, absolutely ashamed of himself, and ashamed to call himself a member of his own race,” - sa dahilang tumanggap ang Coalition government ng libu-libong migrante mula Middle East at North Africa.