Kapalaran ng Boomers nananatiling misteryo sa ngayon

Ang Boomers at Pilipinas ay nagbigay ng magkasamang pahayag sa paghingi ng tawad sa nangyaring ‘basketbrawl’ noong Lunes, ngunit malamang na hindi nito mapapababa ang mga parusa na ipapataw ng FIBA.

Daniel Kickert of the Boomers (centre), the Australian national basketball team, listens to coach Andrej Lemanis (left) on arrival at Brisbane airport.

Daniel Kickert of the Boomers (centre), the Australian national basketball team, listens to coach Andrej Lemanis (left) on arrival at Brisbane airport. Source: AAP

Nananatiling misteryo pa rin kung sino sa mga manlalaro ng Australya ang mapapatawan ng parusa matapos magtalaga ng confidentiality conditions ang FIBA sa hearing.

Ang FIBA ay bumuo ng disciplinary panel para dinggin ang mga kaso kaugnay sa nangyaring kaguluhan noong Lunes sa pagitan ng Australya at Pilipinas.

Ngunit sa pagtatalaga ng FIBA ng confidentiality conditions sa mga detalye ng kaso, mawawalan ito ng public disclosure.

Ang mga Australyanong manlalaro na sila Daniel Kickert at Thon Maker ay maba-ban at magmumulta sa kanilang naging partisipasyon sa nangyaring gulo.

Subalit hindi pa maliwanag sa ngayon kung ang ibang manlalaro sa koponan ng Australya na nasa court nang mangyari ang gulo - Chris Goulding, Nathan Sobey, at Jason Cadee ay kasama sa kaguluhan.

Ang Boomers bench ay hindi nakisali sa gulo, ibig sabihin ay malamang na hindi sila madadawit sa mga pagdinig.

Nakatuong magpataw ng mas mabigat na parusa ang FIBA sa Pilipinas matapos makisali sa gulo ang kanilang bench, coaching staff, at pati na ang mga fans.

Sa isang punto, higit 10 Pilipino ang nagtangkang saktan si Goulding na halos walang kalaban-laban.

Hindi nagtakda ng timeline ang FIBA para sa kanilang pasya.

Ang Presidente ng Basketball Australia na Ned Coten at Alfredo Panlilio ng SBP ay nag-isyu ng magkasamang pahayag noong Huwebes na nagssabing ikinalulungkot nila ang mga nangyaring kaganapan.

Sinabi nila na ang basketbol ay naghihikayat ng pagkakaisa, at ang dalawang bansa ay naglalayong ipakita ang “true spirit of friendship and sportsmanship” sa mga susunod nilang mga laro.

"The actions displayed (on Monday) have no place on any basketball court," sinabi ni Coten at Panlilio sa kanilang pahayag.

"We wish to apologise to the entire basketball community worldwide - and in particular to our fantastic fans in the Philippines and Australia - for the behaviour displayed by both teams and for bringing the game of basketball into disrepute.”

"We fully accept our responsibility and are collaborating in the ongoing proceedings to investigate the incidents.”

"We will do everything in our power to prevent this from happening again."

ALSO READ:


Share

2 min read

Published

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand