Goulding di makapaglalaro sa Boomers

Boomer mababawasan ng isang inaasahang manlalaro na magbibgiay ng maraming pagkakataon sa underdog Gilas.

Chris Goulding of Melbourne with an injured ankle

Source: AAP Image/Hamish Blair

Ang Gilas Pilipinas ay mabibigyan ng mas maraming pagkakataon na magkaroon ng dikit na laban sa matatangkad na Boomers habang ang isa sa kanilang pangunahing manlalaro ay hindi makakapasok sa court dahil sa pilay.

Ang shooting guard na si Chris Goulding, na naglalaro para sa Melbourne United sa National Basketball League, at napilayan sa sakong sa ikatlong quarter ng kanilang pagkatalo sa iskor na  94-84 sa  Illawarra Hawks sa  Hisense Arena kahapon. Ito ang kanilang huling laro sa regular na sison.

Ang 193-cm na Goulding ay unang nakapaglaro bilang Boomers sa unang bintana ng  World Cup qualifier noong November. Siya ay nag-average ng siyam na puntos sa dalawang laro.

Subalit minaliit ng coach ng Melbourne United Dean Vickerman ang anumang malubhang pilay sa kanyang shooting guard at inaasahan siyang makapaglaro sa simula ng kanilang semi-finals laban sa New Zealand Breakers sa Melbourne sa ikatlo ng Marso.

 

  

 


Share

1 min read

Published

Updated

By Ronald Manila

Source: AAP



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand