Binatikos ng magkabilang panig ang 'final solution' na talumpati ni Anning

Sinabi ng senador ng Katter's Australia party na si Fraser Anning na dapat i-ban ang mga Muslim na manirahan sa bansa at magsagawa ng isang plebisito sa isang European-only immigration system.

Senator Fraser Anning

Senator Fraser Anning's maiden speech has been widely condemned by federal MPs. (AAP) Source: AAP

Umani ng batikos si Crossbench senator Fraser Anning mula sa magkabaling panig sa kanyang panawagan na "final solution to immigration problem" at pagtaguyod na ibalik ang White Australia Policy.

Ang senador sa Queensland, na pumalit kay Malcolm Roberts ng One Nation na ngayon ay kabilang sa Katter's Australia Party, ay ginamit ang kanyang unang talumpati sa Parliamento noong Martes para manawagan na itigil ang imigrasyon ng mga Muslim. 

Ang mga salitang "final solution" ay karaniwang kaugnay sa pag-uusig ng Nazi Germany at pagpatay sa mga hudyo sa Europa noong World War II.
Fraser Anning and Bob Katter.
Fraser Anning and Bob Katter. Source: AAP
Ipinagtanggol ng 68-taong-gulang na senador ang kanyang mga komento sa Today show ng Channel Nine noong Miyerkules ng umaga, at sinabing hindi niya kailanman intensyon na iugnay ito sa Nazism. 

“If that offends anyone then that’s the way it has to be,” sabi niya.

“I don’t regret anything.”

Ngunit umani ng batikos ang kanyang mga komento sa social media at kapwa nya pulitiko. 

Sinabi ni energy and environment minister na si Josh Frydenberg, na isang Hungarian, kay Senator Annning na bawiin ang kanyang mga komento at pumunta at bumisita siya sa isang Holocaust museum.

"Like a number of colleagues in this place I have relatives who went through the Holocaust," sinabi ni Mr Frydenberg sa Parliament House noong Miyerkules ng umaga. 

"His comment about the final solution to immigration was insensitive, was ignorant, was divisive and was hurtful." 

Binatikos ni Labor frontbencher na si Tony Burke ang talumpati nito sa parliamento noong Martes ng gabi. 

“There has to be a point when this parliament says enough. If we haven't reached that point tonight then for some of us there is apparently no limit at all,” sabi ni Labor frontbencher Tony Burke.

“Senator Anning has just delivered his first speech and, in delivering the sort of bile that we get from time to time against Muslim Australians, decided to invoke the term 'final solution'—another speech belittling Australians, dividing the nation and inciting debate.” 

Ayon naman kay citizenship minister Alan Tudge na ang talumpati ay "hindi sumasalamin sa pananaw ng gobyerno o ng mga Australyano. 

“We will always maintain a non-discriminatory immigration program,” sabi niya. 

Sumang-ayon naman si Malcolm Turnbull, at sinasabing ang Australya ang “most successful multicultural society in the world built on a foundation of mutual respect.”

“We reject and condemn racism in any form,”sabi ni Mr Turnbull sa Twitter. 

Magbibigay ng pahayag ang party leader na si Bob Katter sa Miyerkules. 

Sinabi naman ng lider ng One Nation na si Pauline Hanson sa kanyang dating kasamahan na napasobra ito at hindi niya sinusuportahan ang kanyang mga komento. Umalis sa partido si Senator Anning sa unang araw niya sa opisina bagamat siya ay naihalalal ng mga botante ng One Nation. 

Sa talumpati nito, sinabi ni Senator Anning na karamihan sa mga Muslim sa Australya ay umaasa sa welfare at hindi nagtatrabaho. 

"While all Muslims are not terrorists, certainly all terrorists these days are Muslims," sinabi ni Senator Anning.

"So why would anyone want to bring more of them here?"

Nanawagan siya sa gobyerno na ipagbawal ang pagbabayad ng welfare sa mga migrante sa unang limang taon ng pamumuhay nila sa Australya, na naglalagay sa maraming asylum seekers na sila ay "welfare seekers."

Nais din ni Senator Anning na magkaroon ng plebisito sa  kung sino ang pahihintulutang sa bansa upang mapagpasiyahan kung gusto nila na magkaroon ng "wholesale non-English speaking immigrants from the third world".

"The final solution to the immigration problem is of course a popular vote," sabi niya.

Pinuna ni Race Discrimination Commissioner Tim Soutphommasane ang kanyang talumpati, at sinabing ito ay "nakakabahala."

“This is a deeply disturbing intervention. The use of such language risks inciting the most serious kind of hatred and violence against Muslims," sabi niya.

"Anyone who knows a thing about history will have felt a shiver up their spine upon learning of Fraser Anning’s words."
Race Discrimination Commissioner Dr Tim Soutphommasane attends Senate Estimates at Parliament House in Canberra, Tuesday, Feb. 28, 2017. (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING
Race Discrimination Commissioner Dr Tim Soutphommasane Source: AAP
Habang ang bise-presidente ng Islamic Council of Victoria na si Adel Salman ay nagsabi sa SBS News ang talumpati ay "kahiya-hiya." 

"His use of the description 'final solution', surely he knows that has a very, very sinister connotation to it and for him to actually use that in a speech - in any forum - is quite hard to understand," sabi ni Mr Salman.

"I would like to think that his speech will receive nothing but condemnation, complete condemnation."

Sinabi ni Senator Anning na ang Australya ay may karapatan na igiit na ang nakakararami ay may "historic European Christian composition".

"Ethno-cultural diversity - which is known to undermine social cohesion - has been allowed to rise to dangerous levels in many suburbs," sabi niya.  

"In direct response, self-segregation, including white flight from poorer inner-urban areas, has become the norm."

Nais din ipabatid ni Senator Anning na magkaroon ng cultural counter-revolution para maibalik ang traditional values at matukoy ang pambansang pagkakakilanlan. 

"To describe the so-called safe schools and gender fluidity garbage being peddled in schools as cultural Marxism is not a throwaway line, but a literal truth," sabi ni Senator Anning.

Inilatag niya ang mga plano upang mapalakas ang agrikultura sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga rural state banks at muling pagpapasagana ng mga farm goods sa pamamagitan ng kooperatiba ng mga grower. 

Ang iba pang mga isyu na nabanggit niya ay ang pag-iwas sa lumalaking banta ng ng Tsina, pagbababawas ng paggastos ng gobyerno, pagtatayo ng mga coal-fired power plants at pagbawi mula sa mga left-wing extremists. 

Sinabi ni Senator Anning na ang pamamahala ni Joh Bjelke-Petersen bilang Queensland premier ay ang "golden age" ng estado.  


Share

Published

Updated

By James Elton-Pym
Presented by Roda Masinag
Source: SBS News

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand