Ang breast cancer o kanser sa suso ay nananatiling pinakaraniwang kanser sa mga babaeng Australyano. Bagama't hindi pa natutuklasan ang eksaktong sanhi nito, mahalang maunawaan kung ano ang pwede mong gawin para mapababa ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito.
Habang ang ilang risk factors katulad ng family history ay hindi maaaring mabago, may ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin na magdudulot ng mabuti sa iyong kalusugan, mungkahi ni Professor Sanchia Aranda, CEO ng Cancer Council Australia.
Paano mapapababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng breast cancer
May ilang mga simpleng pamamaraan tulad ng pagpapanitili ng tamang timbang, pag-eehersisyo nang madalas, at paglimita ng pag-inom ng alkohol.
“While our national guidelines say no more than two standard drinks on any single day. For women with higher risk of breast cancer, more than one standard drinks a day puts them at risk,” sabi ni Professor Aranda.

Source: AAP
Breast screening
Ang mga kababaihan ay kinakailangang sumailalim sa mammogram screening kada dalawang taon. Subalit kung mayroon kang isang malapit na kamag-anak na na-nadiagnose ng breast cancer bago umabot sa edad na 50, mas makabubuti na magtanong sa iyong GP bago sumailalim sa test.
Ano pa ang maari mong gawin?

Mixed race doctor talking to patient Source: Getty Images
Mahalagang makipagugnayan muna sa iyong GP kung kailan mo dapat simulan ang iyong mammograms at iba pang screening. Maari silang magbigay ng payo at matulungan kang maunawaan ang sakit na breast cancer at mabigyan ka ng mga kaukulang resources.
Maaari ring makakuha ng impormasyon sa mga sumusunod:
- Cancer Council information at support line 13 11 20.
- Breast Cancer Network of Australia
- iPrevent
(Ang buwan ng Oktubre ay National Breast Cancer Awareness Month)
Share
