Sa Pampanga, ilang nakayapak na mga deboto ang naglakad sa kalsada, habang nilalatigo ang kanilang mga sarili at sinusugatan ang kanilang likod gamit ang razor blade bilang bahagi ng kanilang ritwal upang mapagbayaran ang kanilang mga kasalanan.
Ang iba naman ay boluntaryong nagpapapako sa krus, halintulad sa pagpapapako sa krus ni Kristo.
Karamihan sa mga nagsasagawa nito ay naniniwala na kapag pinarusahan nila ang kanilang mga sarili, sila ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan, mapapagaling ang kanilang karamdaman o di kaya'y makakakuha sila ng higit pang pagpapala mula sa Diyos.
Ang pinakabatang deboto na si Job Christian Ong ay nagboluntaryong sumali upang maipagpatuloy ang nakagawian ng kanilang pamilya at para na din mapatawad siya sa kanyang mga kasalanan.
“It is difficult yet rewarding,” sinabi niya sa Reuters.
"Becoming a devotee is my way of showing gratitude to God because he saves us from our sins and when we have problems, we turn to him, so sometimes we need to sacrifice ourselves for him," dagdag niya.
"We always pray for strength, [good] health for our families, and thank God for blessings," sinabi ni Roger Aquino, 59 na taong-gulang na opisyal na kasama sa mga nagpepenitensya.
"People should understand that what we do is a tradition [and they] should respect it," sabi niya sa Reuters.
Bagama't hindi sang-ayon ang ilang mga pinuno ng Simbahang Katoliko sa mga isinasagawang tradisyon, marami pa rin sa mga deboto ang nagpapatuloy nito at nananatili pa rin itong popular sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas.
Share
