Si Julian at kanyang inang si Jom ay nasa Barcelona para sa kasal ng isang kamag-anak, at nahiwalay nang umararo ang isang van sa mga tao sa abalang distrito ng Las Ramblas noong Huwebes ng gabi.
Ang ina ni Julian, na orihinal na mula Pilipinas, ay nananatili sa ospital, isa sa mahigit 100 tao na nasugatan sa nagging pag-atake na inako ng Islamic State.
Ang ama ni Julian na si Andrew ay dumating sa Barcelona mula Australya noong Sabado ng gabi upang subukang hanapin ang kanyang anak, na isang British-Australian dual national.
Maaga nitong Lunes, oras ng Australya, naglabas ang Department of Foreign Affairs and Trade ng isang pahayag sa ngalan ng pamilya Cadman.
Naglagay ng ilang mga harang sa kalsada at pagsisiyasat ang pulisya sa buong hilagang-silangang Espanya sa pag-asa na mahuli ang tumakas na suspek na mula sa 12-miyembro ng grupong Islamic extremist na nagsagawa ng dalawang pag-atake gamit ang mga sasakyan.
Ginagawang komplikado ang paghahanap, ay ang katotohanan na sa kasalukuyan hindi pa natutukoy ng pulisya ang opisyal na pagkakakilanlan kung sino ang eksaktong nakatakas.
Nakilala ng pulisya ang 12 miyembro ng grupo, ngunit tatlong katao ang nananatiling hindi pa nakikita: dalawa ay pinaniniwalaan na napatay nang ang bahagy kung saan binuo ang plano ay sumabog noong nagdaang Miyerkules at ang isa ay hinihinalang pugante , ito ang sinabi ng opisyal ng Catalan police Josep Lluis Trapero sa mga mamamahayag noong Linggo.