Mga karapatan ng kabataan sa Australya

Sa ilalim ng United Convention on the Rights of the Child, lahat ng bata ay may karapatan sa pantay na karapatan pagdating sa edukasyon, pangangalagang kalusugan at kaligtasan.

تصویر یک مادر و فرزند در حال تمرین زبان

Source: Getty Images

 

Halos tatlumpung taon na ang nakaraan simula ng pinirmahan ng Australya ang UN Convention on the Rights of the Child, isang pangmundong kasunduan na nangangakong magbibigay sa mga kabataan ng isang ligtas at malusog na pagkabata.

Ngunit ayon sa pinakabagong review ng UNICEF, simula ng huling ulat, isang maliit na progreso lamang ang naggawa ng Australya sa pagsigurado na ang bawat karapatan ng bata ay protektado.
Preschool teacher and students sitting in circle on floor in classroom
Source: Getty Images

Suportang edukasyon at kalusugan ng pangkaisipan

“Where we’re most concerned is the education space. We think that children are being left behind in terms of the quality of education that they’re receiving and educational equity. We are concerned about mental health as a really big part of this picture, really high levels of stress and anxiety in our young people in Australia,” sabi ni Amy Lamoin, puno ng policy and advocacy ng UNICEF Australia.

Isa sa anim na Australyanong bata ang nakakaranas pa rin ng kahirapan, habang isa sa pito ang mayroong kondisyon sa kalusugan ng pangkaisipan.

“What we know is a major issue for children in Australia, in the Pacific, and globally, is how is the government is responding to the climate change picture and how are they ensuring that children grow up in a clean environment,” dagdag ni Lamoin.
High Angle View Of Crying Boy
Source: Getty Images

Pagpigil sa pisikal at sekwal na abuso

Sa 2016 Personal Safety Survey ng Australian Bureau of Statistics, isa sa walong tao ang nakaranas ng pisikal o sekswal na abuso bago mag-edad kinse.

Ayon sa Australian Centre for Child Protection, isa sa tatlumpu't limang kabataan sa Australya ang tumanggap ng serbisyong proteksyong para sa mga bata sa taong 2017 hanggang 2018.

Naniniwala ang senior policy advsior ng Save the Children Australia na si Karen Flanagan na ang mabuting proteksyon sa mga kabataan ay nagsisimula sa pagtanggal ng lahat ng porma ng pisikal na parusa sa kapaligiran ng pamilya.
Left Out
Source: Getty Images
 

Pagtawag sa diskriminasyon dahil sa lahi

Ang Australya ay isang multikultural na bansa kung saan isa sa sampung kabataan ang ipinanganak sa ibang bansa at halos anim na porsyento ng kabataan ay mga Aboriginal o Torres Strait Islander. Sa kasamaang palad, lumabas sa pag-aaral na ang diskriminasyon ay karaniwan.

“We need to be calling it out in our school system so educators and children need to work together to make sure that children aren’t experiencing racism in the classroom or in the playgrounds and so that they can claim all the other really important rights that they have to grow up well like getting good education, like being treated fairly, like being safe, including being culturally safe and respected for their background,” sabi ng National Children’s Commissioner na si Megan Mitchell.
Teenage girl talks to school counselor
A serious teenage girl gestures as she sits on a couch in her school counselor's office and talks to her unrecognizable counselor. Source: Getty Images

Kahalagahan ng pagpapalakas ng mga kabataan

Payo ni Megan Mitchell na edukahin ang mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan: “It’s really important that we engage them in a conversation about how they can improve their resilience, seek help, and how we can make sure that they get the help they need so that they don’t sit on feelings of feeling anxious but they actually are able to speak up about those things and get the help that they need.”

Upang mangyari ang mga totoong pagbabago, sinabi ni Karen Flanagan na dapat ay may pagbabago sa kung paano tinatanggap ang mga problema ng mga kabataan.

“Sometimes, adults think that if you give children too many rights, they will be disrespectful and they will take advantage of that. That’s certainly not the case and that’s certainly not our experience. In fact, when children are empowered and treated respectfully by adults in particular, it certainly will lead to a more peaceful and democratic society.”

Para sa mga impormasyon sa karapatan ng mga kabataan sa Australya, humingi ng payo mula sa iyong lokal na sentro ng tulong. Para sa emosyonal na suporta, makipag-ugnay sa kidsline sa 1800 55 1800, Life line sa 13 11 14 o tumawag sa 000 kung may kilalang nasa bingit ng panganib.

 

 


Share

Published

Updated

By Amy Chien-Yu Wang, Audrey Bourget
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand