Magpapataw ng karagdagang singil na 10 sentimo ang dalawang pangunahing supermarket sa Australya sa isang special drought relief millk.
Inanunsyo ng Woolworths na maglalabas ito ng panibagong hanay ng gatas na nagkakahalaga ng $1.10 kada litro simula kalagitnaan ng Oktubre.
Hangga't hindi pa nila nailalabas ang bagong produkto, ang 3L Full Cream at Lite Milk na mabibili sa Woolworths ay tataas, mula $3 hanggang $3.30, kasama na dito ang karagdagang 10 sentimo kada litro na mapupunta sa mga dairy farmers na apektado ng tagtuyot.
Umani ng batikos ang Coles noong Huwebes ng umaga bago nito inanunsyo na susundan nila ang hakbang ng Woolworths na mag-aalok ng drought range.

Naghayag din ang supermarket na itataas nila ang presyo ng 3L na gatas mula $3 hanggang $3.30. Ang karagdagang 30 sentimo ay mapupunta sa mga dairy farmers na naaapektuhan ng tagtuyot.
"I rang retailers three weeks ago and asked them to consider a voluntary levy for our farmers and I'm rapt they've come to the party," sinabi ni Agriculture Minister David Littleproud.
Sinabi naman ni Woolworths Director of Fresh Food Paul Harker na hiling ng mga mamimili na tulungan ng supermarket giant ang mga dairy farmers.
“Many of our customers have told us they want to help and are willing to pay more for their milk to do so," sinabi niya sa isang pahayag.
“This new range of drought relief milk will provide customers with that choice, safe in the knowledge the extra money will flow through to dairy farmers in drought-affected areas.”
