Babala: Hinihikayat ang mga mamimili na hiwain sa kalahati ang lahat ng mga strawberry

Nagbigay ng panibagong babala ang Queensland Health tungkol sa mga kontaminadong strawberries.

Strawberry punnets

Consumers are being told to cut up strawberries to make sure they are safe to eat. Source: AAP

nagbigay ng panibagong babala ang Queensland health na nagsasabing kahit ligtas bumili ng strawberry, dapat pa ring hatiin ito bago kainin para makasiguro. 

Ayon sa pinakabagong pahayag, ang mga mamimili ay muling sinabihan na itapon ang mga strawberry na may tatak na Berry Obssession at Berry Licious. Ang mga ito ay kasalukuyang itinigil na na ibenta.
A man posted a picture of the needle he found in a strawberry punnet.
A man posted a picture of the needle he found in a strawberry punnet. Source: Facebook
Kinumpirma ng Queensland police noong Huwebes ang ikaapat na kaso kung saan may natagpuang karayom sa loob ng mga berries na galing sa Sunshine Coast-based na supplier.

Isang batang lalaki sa Gladstone ang munitk nang makalulon ng karayom matapos may matagpauan ang karayom sa bibig nito noong Martes pagkatapos nitong  magdala ng strawberry sa eskwelahan. 

Ayon naman kay Angela Stevenson, naghihiwa siya ng prutas para sa kanyang anak, nang matagpuan niya ang karayom sa loob ng berry. Naaalala din niya na naglagay siya ng strawberry sa lunchbox ng anak niyang lalaki. 

Huli na nang tumawag siya dahil nakain na nya ito, sinabi nya sa ABC Radio. 

"Luckily he pulled it back out of his mouth and told the teacher."

Nagsagawa ng inspeksyon ang Queensland Police at mga opisyal ng Australian Border Force sa farm sa Wamuran, hilaga ng Brisbane, noong Huwebes, kung saan nanggaling ang mga kontaminadong strawberries. 

Isang panibagong imbestigasyon ang isinasagawa matapos matagpuan ng isang empleyado ng Coles sa Gatton ang isang maliit na metal rod sa ibabaw ng mga strawberries noong Huwebes. 

Ito ay hinihinalang copycat attempt. 

Sinabi ni Sunshine Coast grower Adrian Schultzna ang nangyaring kontaminasyon ay lalo lang nagpalala sa sitwasyon ng industriya. 

"Our biggest concern is some sort of copycat event happening that could exacerbate the situation," Mr Schultz told AAP.

"It does appear to be an isolated incident so far ... it's the perception that people have that's the concern."

Sa huiling mga linggo na natitira, hihimok ni Mr Schulz ang mga mamimili na bumili.

"We could be finished by the weekend," he said.

"I know that farmers that are still going would appreciate the support by the public."

Sa ngayon, napag-alaman na apat ang natagpuan sa Queensland at dalawa sa Victoria.

Sinabi ng Queensland Strawberry Growers Association na maaaring isang farm worker ang may kasalanan sa mga pangyayari, sa dahilang ang dalawang tatak na apektado ay galing sa iisang farm. 

Suballit pinabulaanan ito ng pulisya. 

"We're not agreeing with that at all at this particular point in time," Queensland Acting Chief Superintendent Terry Lawrence said.

"We're not going to get into speculation. We're keeping a very open mind as to where this may have occurred somewhere between the actual growing of the strawberry through to the completion of the production line and going even further through to distribution and going on to the shelves."

Ang mga apektadong tatak ng strawberries ay hindi na binebenta.



Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Babala: Hinihikayat ang mga mamimili na hiwain sa kalahati ang lahat ng mga strawberry | SBS Filipino