Ilang kabahayan sa Sydney, ni-raid ng counter-terror police matapos ang stabbing attack sa simbahan

Naghahain ng mga search warrant ang mga opisyal ng NSW Joint Counter Terrorism Team kaugnay sa pananaksak ng isang obispo sa Wakeley.

A man wearing a police jacket

The counter-terrorism squad is made up of state and federal police, as well as officials from ASIO and the NSW Crime Commission. Source: Supplied / Australian Federal Police

Ni-raid ng counter-terrorism police ang ilang kabahayan sa nakalipas na araw matapos ang pananaksak sa isang obispo habang nagbibigay ng sermon sa isang simbahan habang naka-live stream.

Isang serye ng paghahain ng mga search warrant ang isinagawa ng NSW Police sa lungsod noong nakaraang Miyerkules bilang bahagi ng imbestigasyon ng Joint Counter Terrorism Team.

"There is no current threat to public safety and no connection to Anzac Day commemorations," ayon sa pahayag ng pulisya.

Dagdag pa na mas maraming impormasyon ang ibabahagi sa mga susunod na pagkakataon.
Binubuo ang counter-terrorism squad ng mga state at federal police, gayundin ang mga opisyal mula ASIO at NSW Crime Commission.

Ayon sa mga imbestigador, relihiyon ang motibo ng pananaksak kung saan sugatan ang Assyrian bishop na si Mar Mari Emmanuel at ang pari na si Isaac Royel bago mahuli ang umatake.

Ilang katao ang inaresto at kinasuhan dahil sa naging riot sa labas ng simabahan matapos ang insidente ng pananaksak.

Share

Published

By AAP
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand