Ang mag-asawang British ay nasa malubhang kondisyon sa isang nayon kung saan ang dating Russian spy at ang kanyang anak na babae ay nalason kamakailan at na-expose din sa kaparehong nerve agent, sabi ng British police noong Miyerkules.
Ang mag-asawa na si Charlie Rowley at Dawn Sturgess ay natagpuan na walang malay sa isang bahay noong Sabado. Sa ngayon, wala pang ibang naiulat sa ospital na may parehong sintomas.
"This evening we have received test results from Porton Down that show the two people have been exposed to the nerve agent Novichok," sabi ni Neil Basu, head of counter-terrorism, sa isang pahayag.
Kinumpirma din ng Porton Down defence laboratory ang paggamit ng Novichok, na diumanoy gawa sa Soviet Union, sa kaso ni Sergei and Yulia Skripal.
Sinabi ni Basu na “walang ebidensya” na magsasabing ang mag-asawa ang target ng naturang paglason.
"It's the same nerve agent. Whether we can ever tell if it's the same batch will be up to scientists to determine," sinabi ni Basu, at aniya, ang pulisya ay hindi makumpirma ang mekanismo ng transmisyon.
"This remains a low risk to the general public. We're satisfied that if anyone was exposed to that level of nerve agent by now they would be showing symptoms," sabi niya
Sinabi ni Basu na ang mga pulis sa counter-terrorism ay nagsasagawa na ng imbestigasyon, tulad ng ginawa nila sa kaso ng Skripals.
Sinabi niya na may 100 detectives ang nakatuon sa kaso.

Ang mag-asawa ay parehong nasa malubhang kalagayan noong Sabado.
Sinabi ni Basu na ang 44-taong gulang na babae ang naunag bumagsak at tumawag sila ng ambulansya papunta sa bahay sa Amesbury sa timog-kanluran ng Inglatera malapit sa lungsod ng Salisbury.
Noong araw din na yon, nagpatawag ulit ng ambulansya sa parehong adress kung saan isang lalaki ang nasa malubhang kalagayan.
"At this stage no-one else has presented with the same symptoms linked to this incident," sabi ni Basu.
Sinabi ni Basu na "no evidence that either the man or woman recently visited any of the sites that were decontaminated following the attempted murders of Sergei and Yulia Skripal."
