COVID-19 Special Update: Bagong depenisyon ng close contact

Ito ang special update para sa 30 December 2021, kasunod ng desisyon ng National Cabinet sa nationalised definition ng isang COVID-19 close contact.

Scott Morrison announces the reset of the 'close contact' criteria

Scott Morrison announces the reset of the 'close contact' criteria Source: AAP

Inanunsyo na ni Prime Minister Scott Morrison ang bagong national definition ng COVID-19 close contact. Ang bagong depinisyon na ito ay napagkasunduan ng National Cabinet noong Huwebes 30 December.

  • Ang isang close contact ay isang tao na household contact ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19, o isang tao na kasama ng isang kumpirmadong kaso ng mahigit apat na oras sa isang bahay, accomodation o care facility setting, maliban sa mga exceptional circumstances.
  • Kung isang tao ay close contact, kinakailangan niyang mag-rapid antigen test (RAT) kahit siya'y asymptomatic.
  • Kung negatibo ang resulta ng RAT, kinakailangan pa rin siyang magself-isolate ng pitong araw mula ng petsa ng exposure at mag-RAT uli sa pang-anim na araw.
  • Kung positibo ang RAT, kinakailangan niyang mag-PCR test.
  • Kung siya's symptomatic, kinakailangan niyang mag-PCR test at patuloy magself-isolate ng pitong araw.
  • Epektibo na ngayon ang depinisyon sa New South Wales, Victoria, Queensland, South Australia, at ACT. 
  • Nag-aapply ang mga bagong patakaran sa taong nasa isolation, saad ng Prime Minister. 
  • Susunod ang Tasmania sa Enero 1, habang mag-aanunsyo ang Northern Territory at Western Australia  sa mga susunod na araw.
  • Pananatiliin ng South Australia ang 10-day isolation period di gaya ng mga ibang estado na pitong araw lamang ang isolation.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita dito


Quarantine and restriksyon kada estado:

Alamin kung ano ang maaari at di mo maaaring gawin sa iyong estado o teritoryo.

Travel

Impormasyon para sa mga international travellers at Covid-19 at travel information sa iyong wika

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  Tulong habang may pandemya mula sa Services Australia sa iyong wika




Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:

COVID-19 Vaccination Glossary
Appointment Reminder Tool.


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory


 


Share

2 min read

Published



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now