COVID-19 update: ACT pinahabang muli ang lockdown sa pangatlong pagkakataon

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 14, 2021

Eneo ya kati ya mji wa Canberra, Jumatano, Agosti 25, 2021.

Mtu asukuma kifaa chenye bidhaa, katika eneo la maduka lililo tupu mjini Canberra, Jumatano, Agosti 25, 2021. Source: AAP Image/Lukas Coch

  • Sa NSW, pinalawak ang Covid-19 support payments
  • Victoria may karagdagang pundo para sa mental health support
  •  Lockdown sa ACT, pinahaba hanggang Oktubre 15
  • Queensland, nakatala ng isang panibagong kaso ng COVID-19
  


 

New South Wales

Nagtala ng 1,127 na panibagong kaso ng Coronavirus ang New South Wales at dalawa ang namatay.

Matapos nagtala ng kaso ng Covid -19 sa Yass, sasailalim simula ngayong araw sa dalawang linggong lockdown ang buong Yass Valley Council. Kailangan ding mag-isolate silang nakabyahe sa lugar bago at matapos ang Setyembre 9.

Samantala, inabisuhan ng NSW Health ang mga residente sa Young sa Murrumbidgee local health district na agad magpatest, lalo na silang may nararamdamang sintomas. May natukoy na fragments ng virus sa isang sewage plant sa lugar. Sa ngayon, wala pa namang kasong naitala sa komunidad.

Victoria

Nagtala ng 445 na panibagong kaso ang estado ngayong araw, at dalawa ang namatay.

Sa ngayon, ang buong estado ay mayroon ng 3,799 na aktibong kaso, 85 porsyento dito ay nasa edad 50 anyos  pababa.

Samantala, inanunsyo ni Deputy James Merlino ang  karagdagang pundo na aabot sa $22.1 milyon. Ito ay gagamitin para sa mental health services sa buongkomunidad sa regional Victoria at Melbourne.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre

Australian Capital Territory

May 22 na panibagong kaso ang teritoryo.

Samantala, pinahaba ng apat na linggo ang lockdown, kasabay ng pagbibigay ng pahintulot sa mga maliliit na negosyo para magbukas at tumangap ng tag-limang customer  o isang customer bawat four square metres.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Mga residente ng Western Australia na may edad 60 anyos pababa ay pwede ng bakunahan ng gamot na Pfizer simula sa susunod na dalawang linggo
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand