COVID-19 update: Lockdown sa ACT, magtatagal pa; Otoridad hinihikayat ang mga residente na magpabakuna gamit ang Astrazeneca vaccine

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 31 2021

The ACT reported 13 new local COVID-19 cases on Tuesday, including at least eight that were infectious in the community.

The ACT reported 13 new local COVID-19 cases on Tuesday, including at least eight that were infectious in the community. Source: AAP Image/Lukas Coch

  • Sa NSW, pumalo na sa 67 per cent ang ang nakakuha ng first dose ng bakuna
  • BIlang ng exposure sites sa Victoria, umabot na ng higit 1,000
  • Lockdown sa ACT, magtatagal pa hanggang 17 Setyembre
  • Mga taga-NT at Queensland, maaari nang bumyahe papuntang South Australia, 

New South Wales

Nagtala ng 1,163 na panibagong kaso ang New South Wales, 796 sa mga ito ay nasa western at south-western Sydney. Tatlong katao ang naiulat na namatay.

Hinihikayat ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant na magpa-test ang mga residente ng Guildford, Merrylands, Auburn, Greenacre, Bankstown at Blacktown.

Payo naman ni Health Minister Brad Hazzard para sa mga may edad 18 pataas, na magpabakuna gamit ang Astrazeneca dahil sa kakulangan ng supply ng Pfizer vaccine.

Samantala, isang Aboriginal na taga-Dubbo ang  naiulat na namatay nitong Lunes dahil sa COVID-19, kaugnay pa rin ng kasalukuyang outbreak sa western New South Wales.

Alamin kung paano magpa-book ng COVID-vaccine

Victoria

Nagtala ng 76 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, 31 sa mga ito ay hindi konektado sa mga kasalukuyang outbreak.

Inaasahang iaanunsyo bukas ni Premier Daniel Andrews ang planong pagluluwag ng mga restriksyon. At dahil sa kakulangan ng supply ng Pfizer vaccine, iginiit nya na wag maghintay ang mga residente at magpabakuna na gamit ang Astrazeneca.

Sa ngayon, pumalo na sa higit isang libo ang natukoy na mga exposure sites sa Victoria, kabilang ang ilang apartment blocks sa Melbourne.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 13 panibagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory, at walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Magtatagal pa hanggang  Setyembre 17 ang lockdown at may mga dagdag na restriksyon na ipapatupad simula Huwebes, 5pm.

Bubuksan din sa publiko ang mass vaccination clinic sa Canberra sa darating na Biyernes, Setyembre 3.

Alamin kung pwede ka na makakuha ng COVID-19 vaccine.

Huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
  • Mga tiga-south East Queensland at Katherine sa Northern Territory, papayagan nang makabyahe sa South Australia
alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand