COVID-19 Update: Ministro ng aged care gigisahin sa Senado kaugnay sa pagresponde sa Omicron outbreak

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 2 Pebrero 2022.

Minister for Aged Care Services Richard Colbeck during Question Time in the Senate chamber at Parliament House in Canberra, Wednesday, June 16, 2021.

Minister for Aged Care Services Richard Colbeck during Question Time in the Senate chamber at Parliament House in Canberra, Wednesday, June 16, 2021. Source: AAP

  • Haharap sa Senado si Aged Care minister Richard Colbeck kaugnay sa naging tugon ng gobyerno sa pandemya. Inaasahang kekwestyunin ang ministro tungkol sa kakulangan ng RAT at PPE, pati na rin ang naatalang vaccine booster program.
  • Umabot sa 566 ang namatay sa agaed care facilities sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak. 
  • Sa ngayon, may naitalang 11,000 kaso ng COVID-19 sa mga residente ng aged care sa New South Wales, at isa sa sampung residente lamang ang nakatanggap ng booster shot. 
  • Binatikos din ang Punong Ministro Scott Morrison sa pagtugon ng gobyerno sa kasalukuyang krisis. Aminado ito sa kanyang mga pagkakamali, pero hindi ito humihingi ng paumanhin. 
  • Nagbigay ng babala ang Therapeutic Goods Administration na iwasang kumain, uminom, manigarilyo, magsipilyo ng ngipin o ngumuya ng chewing gum 10-30 minuto bago kumuha ng sample para sa rapid antigen test, dahil maaari umano makaapekto ito sa resultang makukuha. 
  • Ibabalik na ang mga elective surgeries sa South Australia at New South Wales, simula sa susunod na linggo matapos ipatigil ito dahil sa Omicron outbreak. 
  • Samantala, sa Victoria uumpisahan na susunod na linggo ang mga non-urgent elective surgery, pero tinututulan ng mga nurse ang pagbabalik nito. 
  • Sasailalim sa dalawang araw na lockdown ang Tonga, matapos matukoy ang dalawang nagpositibo sa COVID-19. Ang pinakahuling kaso na naiulat ay noon pang Oktubre noong nakaraang taon. Hindi umano konektado ang mga kaso sa mga naghatid ng tulong mula Australia. 

COVID-19 Stats

Sa NSW, 2,622 ang pasyenteng nasa ospital dahil sa COVID-19, 170 dito ay nasa intensive care, 27 ang namatay at 11,807 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw. 

Sa Victoria, 768 ang nasa ospital dahil sa COVID-19, 99 dito ay nasa intensive care, 25 ang namatay at 14,553 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw. 

Sa Queensland, 763 ang naospital, 49 ang nasa ICU, 16 ang namatay at 9,630 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw. 

Nagtala ang Tasmania ng 666 na panibagong kaso, 13 ang naospital, dalawa ang nasa ICU at walang naiulat na namatay. 

Sa South Australia, isa ang naiulat na namatay, 233 ang nasa ospital, 21 ang nasa ICU at 1,723 ang naitalang panibagong kaso. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Visit the translated resources published by NSW Multicultural Health Communication Service

COVID-19 Vaccination Glossary

Appointment Reminder Tool.


Testing clinics in each state and territory

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory


Share

3 min read

Published

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now