COVID-19 update: Kaso ng coronavirus sa New South Wales, patuloy ang pagtaas; Premier nananawagan sa mga residente na magpabakuna

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 18 2021

NSW Premier Gladys Berejiklian wears a face mask during a press conference to provide a COVID-19 update, in Sydney, Wednesday, August 18, 2021.

NSW PremierBerejiklian during a press conference August 18. NSW recorded 633 new locally acquired cases of COVID-19 (AAP Image/Bianca De Marchi) Source: AAP Image/Bianca De March

  • West at south western Sydney kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ng outbreak
  • Higit 500 exposure sites natukoy sa Victoria
  • Queensland at Northern Territory, walang bagong naitalang local cases

New South Wales

Nagtala ng 633 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado at tatlo ang naiulat na namatay. 62 sa mga nagkasakit ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, ang mga lugar ng Merrylands, Guilford, Auburn, Greenacre, at St Mary’s ang may nailaulat na pinakamataas na mga kaso ng coronavirus.

Simula bukas, Agosto 19, uunahing bakunahan ang mga nasa edad 16 hanggang 39 na nakatira sa 12 local government areas na natukoy na hotspots.

Narito ang link para makapagpa-book ng vaccination appointment.

Victoria

Nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado, apat sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak at anim ang nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay COVID-19 commander Jeroen Weimar, umabot na sa 15,000 ang natukoy na primary close contacts habang nasa 520 naman ang listahan ng exposure sites sa Victoria.

Narito ang listahan ng mga vaccination centres.

Mga kaganapan sa huling 24 oras sa Australia

  • ACT, nagtala ng 22 na panibagong kaso ng coronavirus habang pumalo na sa 67 ang mga aktibong kaso
  • magluluwag na ng restriksyon ang south east Queensland, Cairns, at Yarrabah local government areas simula Agosto 20, 4pm
  • Lockdown sa Greater Darwin at Katherine inaasahang magtatapos bukas ng tanghali

alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 

 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand