Key Points
- Limang milyong eligible na Australians ang wala pang booster dose
- Inilabas ng TGA ang bagong listahan ng RATs na nakakatukoy ng bagong COVID variants
- Inaabangan ni Health Minister ang abiso kung kalian matatapos ang COVID-19 isolation
Naitala sa Australia nitong Biyernes ang 82 pagkamatay dahil sa COVID-19 kabilang ang 34 mula Victoria, 29 sa New South Wales at walo sa Queensland.
Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa Australia
Aniya, may sapat na ebidensya na hindi tinatamaan ng malubhang sakit ang malulusog na kabataan sa nasabing edad kung mayroon na silang dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Subalit, makakakuha naman ng bakuna para sa mga batang may malubhang karamdaman, disability at kumplikasyon sa kalusugan.
Sinabi ni Health Minister Mark Butler sa ABC Radio na maaring ang aktuwal na bilang ng coronavirus infections ay doble sa mga naiiulat.
Nangangamba ang health minister sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna ng third dose (unang booster).
Ayon sa kanya, limang milyong katao pa ang kinakailangan makapag pabakuna ng booster lalo na kung anim na buwan na ang lumipas mula nang matanggap ang ikalawang dose
Giit ni Ginoong Butler, hindi na mawawala ang virus at wala pa silang natatanggap na abiso mula sa chief health officer at iba pang eksperto kung kalian matatapos o kung dapat bawasan ang COVID-19 isolation period.
May bagong listahan naman ang Therapeutic Goods Administration ng mga RAT kits alinsunod sa WHO na kayang tumukoy ng bagong subvariants.
Dineklara ng US ang monkeypox (MPX) bilang isang public health emergency kasunod ng pagkakaroon ng 6,600 cases sa bansa.
Nakapagtala ang Australia ng 58 MPX cases, habang naiulat ng Western Australia ang uang kaso mula sa isang umuwing biyahero noong Huwebes.
Maari nang makakuha ang mga Tasmanians ng libreng flu vaccination hanggang ika-31 ng Agosto.
Simula noong Sabado, mula 10 am to 4.30 pm, maari nang makapag pabakuna ang mga South Australians sa Aldinga Beach Primary School, Greenwith Primary School, Flagstaff Hill Primary School, John Hartley School B-6 at Glen Osmond Primary School.
Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa
Australia
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal
SHARE
Published 4 August 2022 at 6:59pm, updated 4 August 2022 at 7:02pm
Source: SBS
