- Nanawagan si Professor Peter Collignon ng Australian National University na baguhin ang impormasyon na ipinapakalat kaugnay sa booster shots. Aniya, mas malaki ang benepisyo ng booster shots, habang tumatanda. Dagdag pa nito, dapat kapareho lang ang antas ng booster shot sa una at pangalawang dose, para sa mga may edad 50 pataas.
- Ayon naman kay Punong Ministro Scott Morrison sa kanyang talumpati sa Australian Financial Review Business Summit, hindi pa din tayo makakawala sa banta ng COVID, ngunit hindi tayo umano dapat magpatalo dito.
- Sa darating na Byernes, Marso 11 tatalalakayin ng mga estado at teritoryo ang paghahanda sa taglamig. Nangangamba umano ang mga opisyal sa maaaring pagsipa ulit ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng flu.
- Nakipagkita si Queen Elizabeth II kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau. Ito umano ang unang public appearance nito matapos magpositibo sa COVID-19 noong Pebrero 20.
- Napag-alaman sa pinakabagong pag-aaral ng University of Oxford na nailathala sa Nature Magazine, na may malaking epekto ang COVID-19 sa utak ng tao at nagdulot umano ang sakit ng pagliit ng utak at pagkawala ng brain tissue.
- Maaaring maapektuhan ang ilang ruta ng Transperthbus routes, matapos magpositibo sa virus ang ilang driver at matukoy na close contact. Walang kanseladong ruta, pero mas kakaunti lang ang babyahe na bus.
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Alamin ang mga dapat at hindi mo dapat gawin, pati mga bagong restriksyon sa buong Australia
Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, narito ang mga impormasyong makakatulong sa iyo
Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna kontra COVID-19 sa iyong sariling wika
Bisitahin ang SBS Coronavirus portal para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.
