Key Points
- Tiniyak ng Australia na magkakaroon ng 450,000 doses ng monkeypox vaccine sa bansa
- Tinatalakay ng National cabinet ang sitwasyon ng bansa sa COVID-19, monkeypox at foot and mouth disease
- Tumataas ng 20 per cent kada linggo ang kaso ng COVID-19 sa Western Pacific Region, kabilang ang Australia, Japan at Korea
Noong Huwebes, nakapag tala ang Australia ng 85 pagkamatay dahil sa COVID-19, 33 ay mula New South Wales (NSW), 31 sa Queensland at siyam sa Victoria.
Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa Australia.
Sinabi ni Health Minister Mark Butler na ayon sa datos, mas maagang mararanasan ang pagsipa sa pinakamataas na bilang ang kaso ng Omicron. Maaring ang nagdaang school holidays ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng bagong nagkakasakit.
Ipinagbigay alam ni Ginoong Butler nakakuha ang pamahalaan ng 450,000 doses ng bagong third-generation monkeypox virus vaccine. Ang unang batch na may 220,000 doses ay inaasahang dadating ngayong linggo.
Aniya, agad itong matatanggap ng mga estado't teritoryo.
Dagdag pa ni Ginoong Butler, bumubuo sila ng National MPXV Taskforce para pangunahan at magbigay ng abiso sa pagkikipag ugnayan sa komunidad.
Ayon kay Dr Noam Peleg, senior lecturer sa UNSW's Faculty of Law & Justice, ang desisyon ng NSW government na hindi palitan ang multa sa COVID-19 - na ipinataw sa 3,000 kabataan dahil sa paglabag sa patakaran - ay maaring paglabag din sa UN Convention on the Rights of a Child.
"The fines themselves are a violation of the Convention on the Rights of a Child," pahayag ni Dr Peleg .
"And working orders directed at children are a second, consequential, violation. NSW government measures are far from compatible with international best practices."
Ayon sa NSW Health, naabot na ang peak ng kasalukuyang Omicron wave sa NSW, at nag-plateau ang bilang ng mga naoospital sa ulat noong Huwebes.
Bumaba ang global COVID-19 infections ng siyam na poryento noong nakaraang linggo base sa ulat ng World Health Organization.
Pero tumataas ng 20 porsyento ang kaso bawat linggo sa Western Pacific Region, kabilang ang Australia, Japan at Korea.
Pinakamataas ang kasong naiulat sa Japan, US, Korea, Germany at Italy.
Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories
Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, alamin kung ano-ano ang maaring pagpilian
Narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang COVID-19 jargon sa wikang Filipino
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal
