- Bilang ng mga namamatay sa NSW dahil sa COVID-19, inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw habang patuloy pa rin ang pagkalat ng virus sa komunidad. Iyan ang naging babala ni Chief Health Officer, Kerry Chant.
- Umabot sa 17 ang namatay sa NSW dahil sa virus habang patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nadadala sa ospital.
- Ayon kay Dr Chant, importanteng magkaroon ng booster shot para magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa Omicron variant. Aniya, 95 porsyento ng mga nakuhang samples mula sa pribadong pathology laboratory ay Omicron variant.
- Sa kabila ng mataas na bilang ng mga hindi nade-detect na kaso sa komunidad, inaasahan ni Victorian Chief Health Officer Brett Sutton na di malayong maabot na ng estado ang "peak" ng mga kaso.
- Base sa mga resultang nakalap ng Queensland, 24 na beses na mas malaki ang tsansa na madala sa ICU ang mga di bakunado, kumpara sa mga nakakuha na ng tatlong doses.
- Consumer watchdog ng Australia, ACCC nababahala sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga RAT kits.
- Ayon sa ACCC, higit 1,800 na report na kanilang natanggap simula noong Disyembre 25 ay kaugnay sa pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa ngayon, umaabot na sa 150 na report kaugnay dito ang natatanggap ng ahensya kada araw.
- Naglaan ng 1.2 milyong dolyar na pondo ang Victoria para mapataas ang bilang ng mga nagpapabakuna sa mga multikultural na komunidad. Kabilang sa proyekto ang partisipasyon ng walong grupo sa iba't-ibang komunidad na maghahatid ng suporta at mensahe sa kani-kanilang sariling wika na ipapakalat online, maging sa mga shopping centre at vaccination hubs.
- Pansamantalang ilulunsad ng pamahalaang pederal ang specialist inpatient telehealth gamit ang telepono o video. Kasama dito ang telephone consultation items at mas mahabang konsulta sa mga GP sa telepono na ipapatupad hanggang Hunyo 30.
- COVAX global vaccine-sharing programme, nakapaghatid na ng isang bilyong COVID-19 vaccine doses, pero tinatayang nasa 40 porsyento ng kabuuang populasyon ng buong mundo ay hindi pa din bakunado.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats:
Nagtala ang NSW ng 29,504 na panibagong kaso ng COVID-19 at 17 ang namatay dahil sa virus.
Sa Victoria, umabot na sa 22,429 ang naitalang kaso at anim ang namatay.
Nagtala naman ang Queensland ng 15,122 na panibagong kaso at pito ang namatay, habang 1,037 naman ang naitalang kaso sa Tasmania.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: