- Traces ng virus, natagpuan sa mid-north coast sa NSW
- Regional Victoria, luluwagan ang mga restriksyon, maliban sa Shepparton
- Mga year 12 na estudyante sa ACT hinikayat na tumawag sa hotline para magpabook ng bakuna
New South Wales
Nagtala ng 1,480 na panibagong kaso ang New South Wales, siyam ang namatay at pito sa mga namatay ay hindi bakunado.
May natagpuan namang traces ng virus sa Bonny hills, kasama din ang Glebe, Waterloo, Redfern at Marrickville kung saan may natukoy na matataas na kaso.
Hinihikayat ng NSW Health ang lahat ng mga apektadong residente na magpabakuna.
Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, 75 porsyento ng mga residente ang nakakuha na ng kanilang unang dose ng bakuna, habang 45 porsyento naman ang fully vaccinated.
Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.
Victoria
Nagtala ng 221 na panibagong kaso ng coronavirus, 98 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Simula hatinggabi ng Setyembre 9, magtatapos na ang lockdown sa regional Victoria at papayagan nang makalabas ang mga residente, maliban na lang sa mga nasa Greater Shepparton.
Hinihikayat pa rin ng gobyerno ang mga residente na magpabook ng bakuna gamit ang Astrazeneca.
Sa ngayon, may 10,000 Astrazeneca appointments na pwede nang i-book sa Victoria.
Alamin kung saan ang pinakamalapit na vaccination centre.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 20 bagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory, 11 dito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Hinihikayat rin ang mga Year 12 na estudyante na magpabook ng bakuna AIS Arena COVID-19 mass vaccination clinic bago mag September 17. Maaaring tumawag sa booking hotline 02 5124 7700.
Alamin kung paano magpa-book ng vaccination appointment.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Inanunsyo ng gobyerno ang paggamit ng vaccine passports para sa mga babyahe sa labas ng bansa simula Oktubre bagamat wala pang malinaw na indikasyon na bubuksan na ang border ng Australia
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permit, Overseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:
