COVID-19 Update: Mga reklamo kaugnay sa pagtataas ng presyo ng mga RAT kits iimbestigahan ng pulisya

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 1 Pebrero 2022.

Vifaa vya vipimo vya rapid antigen vyatolewa ndani ya boxi

Vifaa vya vipimo vya rapid antigen vyatolewa ndani ya boxi Source: AAP

  • Ipinasa na ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) sa pulis ang reklamo laban sa mga nanamantala at nagtaas ng presyo ng rapid antigen tests matapos makatanggap ang ahensya ng higit 100 reklamo kada araw mula sa mga konsyumer.
  • Ayon sa ahensya, nasa $5 hanggang $10 lamang kada test ang presyo ng RAT kits kung bibilhin ito ng maramihan. Pero ayon sa mga report, may ilang mga nagbenta ng $20 hanggang $30 kada test, habang ang ilang maliliit na negosyo ay itinaas pa sa $70 kada test ang kanilang presyo. 
  • Aabot sa $209 milyong dolyar naman ang ipamimigay ni Punong Ministro Scott Morrison sa mga nagtatrabaho sa aged care bilang pagtugon sa nangyayaring krisis na lubhang nakaapekto sa naturang sektor, pero binatikos ito ng unyon ng mga manggagawa at ayon sa mga ito, ginagamit ito ng Punong Ministro para makakuha ng boto sa darating na eleksyon. 
  • Magbubukas ng pop-up vaccination clinic sa Victoria, kabilang ang Melbourne Zoo at Aquarium, para mapataas pa ang bilang ng mga batang hirap makakuha ng bakuna. 
  • Balik-ensayo na para sa Winter Olympics ang Australian Olympic Curler na si Tahli Gill, kasama ang ka-teammate na si Dean Hewitt matapos magpositibo sa COVID-19.  Sa ngayon, parehong nakakuha na ng negatibong resulta ang dalawa.
  • Magpupulong ngayon ang gabinete ng New Zealand kaugnay sa pagbubukas ng border. Sa ngayon, kakailanganing mag-isolate ng 10 araw sa quarantine hotel

 Covid-19 Stats:

Sa NSW,  may 2,749 ang naospital dahil sa virus at 183 dito ang nasa ICU, 70 ang nangailangan ng ventilator. 30 ang namatay at 12,818 ang naitalang bagong kaso. 

Sa Victoria, 851 ang dinala sa ospital at 106 ang nasa intensive care. 34 ang namatay dahil sa virus at may naitalang 11,311 na panibagong kaso.

Sa Queensland, 868 ang nadala sa ospital at 50 ang nasa ICU. Tatlo ang namatay at may 1,266 na naitalang panibagong kaso. 

May naitalang 273 na nadala sa ospital sa South Australia at 22 ang nasa intensive care. Tatlo ang namatay at may naitalang 1,266 na panibagong kaso.

Nagtala ng 699 n apanibagong kaso ang Tasmania, 16 ang nasa ospital, isa ang nasa ICU at walang naitalang namatay sa estado.

 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Visit the translated resources published by NSW Multicultural Health Communication Service

COVID-19 Vaccination Glossary

Appointment Reminder Tool.


Testing clinics in each state and territory

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory


Share

3 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now