COVID-19 update: Lockdown sa Greater Sydney tatagal ng isa pang buwan habang patuloy pa rin ang pagkalat ng virus sa regional Victoria

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 20, 2021

Health workers and Police officers are seen at a unit block under lockdown, in Campsie, south west of Sydney, Friday, August 20, 2021. (AAP Image/Dan Himbrechts) NO ARCHIVING

Health workers and Police officers are seen at a unit block under lockdown, in Campsie, south west of Sydney, Friday, August 20, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Dagdag na restriksyon sa NSW, inanunsyo
  • Contract tracing sa Shepparton, Victoria, sinimulan matapos matukoy ang isang kaso ng COVID-19
  • ACT, nagtala ng 12 panibagong kaso
  • Border restrictions, niluwagan sa South Australia

 

New South Wales

Nagtala ng 644 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 41 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Apat ang naiulat na namatay at lahat ng ito ay nakakuha ng isang dose ng bakuna.

Simula Lunes Agosto 23, may mga dagdag na patakarang ipapatupad sa mga ilang local government areas kabilang ang curfew simula 9pm hanggang 5am. Papayagan ang mga residente na mag-ehersisyo isang oras kada araw.

Patatagalin pa ang lockdown sa Greater Sydney hanggang Seyembre 30.

Magpa-book na ngayon ng vaccination appointment.

Victoria

Nagtala ng 55 na panibagong kaso ang estado, anim sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. 30 sa mga kasong ito ay nasa komunidad habang nakakhawa.

Pinag-iingat ang mga residente sa Shepparton sa regional Victoria matapos may magpositibo na isang kaso.

Narito ang listahan ng exposure sites at mga vaccination centres.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 12 panibagong kaso ang ACT, isa dito ay kasalukuyang iniimbestigahan. Sa ngayon, umabot na sa 94 ang bilang ng mga aktibong kaso.

May isang pasyente na nagka-COVID-19 ang na-admit sa ospital. May naitalang higit 250 na exposure sites kabilang dito ang pampublikong sasakyan, kainan at childcare outlet,

 Alamin kung pwede ka na makakuha ng bakuna kontra COVID-19.


 

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Northern Territory at Queensland wala na naming naitalang bagong kaso ng coronavirus
  • South Australia, nagluwag ng border restrictions sa northern at regional Queensland, pati na rin sa ilang lugar sa Northern Territory

alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand