Key Points
- Naglathala ang TGA ng datos tungkol sa side effects ng COVID-19 vaccines
- 2.47 poryento ng kaso sa buong mundo ay mga batang edad lima pababa:WHO
- US CDC nagluwag ng patakaran sa COVID-19
Nitong Biyernes, nakapag-tala ang Australia 86 na pagkamatay dahil sa COVID-19 kabilang ang 35 mula New South Wales, 18 sa Queensland at 14 sa Victoria.
Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa Australia.
Nakatanggap ang Therapeutic Goods Administration (TGA) ng 665 na ulat ng pagkakaroon ng myocarditis (inflammation of the heart o pamamaga ng puso) mula sa 43.4 million doses ng Comirnaty (Pfizer) doses na ibinakuna sa bansa.
Nitong ika-7 ng Agosto, 104 na ulat naman ng posibleng myocarditis mula sa 5.2 million Spikevax (Moderna) doses ang naitala
Ayon sa World Health Organization (WHO), sa pinakahuling report tungkol sa pagbabakuna ng COVID-19 sa mga bata, nakitaan ng mabilis na pagtaas ng kaso sa mga bata sa kasagsagan Omicron wave kumpara sa simula ng pandemya.
Ang pagtaas ay iniuugnay sa pinaluwag na public, health at social measures.
Ang mga batang edad lima pababa ay bumubuo sa 2.47 porsyento ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo hanang ang nasa edad 5-14 ay mayroong 10.44 persyento.
Sinabi ng WHO na walang dapat ikabahala sa phase three trial ng mRNA vaccines sa mga batang anim na buwan hanggang limang taong gulang. Pero giit nito na napaka-baba ng sample size para matukoy ang mga pambihirang insidente.
Binawasan ng US Centers for Disease Control and Prevention ang kanilang rekomendasyon sa mga Amerikanong kailangan mag-quarantine kung sila ay naging close contact ng taong positibo sa virus.
Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal
