COVID-19 update: Naitalang kaso kada araw apat na buwan nang mababa sa bawat estado at teritoryo sa bansa

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-29 ng Agosto.

COVID-19 Australia

Tourists near the Sydney Harbour Bridge and the Sydney Opera House. (file) Source: AAP / DEAN LEWINS/AAPIMAGE

Key Points

  • Pensioner at concession cardholders sa NSW, papayagan na makakuha ng hanggang 10 libreng RAT kits
  • Pambansang Gabinete tatalakayin ang pagbabawas sa isolation period sa Miyerkules
  • Libreng flu shot magtatapos na ngayong katapusan ng Agosto

Ngayong Lunes, umabot sa 11 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19, kabilang ang tig-apat na naiulat sa New South Wales at Victoria.

Patuloy pa rin ang pagbaba ng naiuulat na kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng estado at teritoryo sa Australia.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa Australia.

Samantala, umani ng batikos ang plano ng Victoria na magbigay ng libreng kurso para sa mga nais maging nurse at midwife sa taong 2023 at 2024.

Ayon kay Michael Roff, chief executive ng Australian Private Hospitals Association, hindi ito magandang balita para sa sistema ng pampublikong ospital ng estado.

“Victoria’s public hospitals are already groaning under the strain of COVID-19, influenza, and massive elective surgery backlogs."

“They are currently relying on the private sector to help them manage all of this. If the private sector loses hospitals, the pressure on the public system only increases.”

Simula ngayong araw, papayagan nang makakuha ng hanggang 10 libreng RAT ang mga pensioners at concession cardholdholders sa kahit saang Service NSW Service Centre, Mobile Service Centre o Disaster Recovery Centre.

Sa darating na Miyerkules, tatalakayin ng pambansang gabinete ang pagbabawas sa isolation period. Mula pitong araw, gagawin na lamang na limang araw ang pag-isolate kung magpositibo sa coronavirus.

Samantala, batay naman sa pag-aaral ng mga researcher sa University of Queensland, napag-alamang maraming kababaihan ang nakaranas ng problema sa pananalapi at naapektuhan ang kalusugan sa pag-iisip na naidulot ng pandemya.

Ayon sa lead researcher na si Dr Terry Fitzsimmons, may ilang kababaihang nagbawas ng kanilang oras sa trabaho o tumigil sa pagtatrabaho noong panahon ng lockdown. Marami umano ang umako ng gawain sa bahay kumpara sa mga kalalakihan.

Alamin kung saan ang mga COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

ACT 

New South Wales 

Northern Territory 

Queensland

South Australia 

Tasmania 

Victoria 

Western Australia

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.

ACT 

New South Wales 

Northern Territory 

Queensland

South Australia 

Tasmania 

Victoria 

Western Australia

Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa, alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories

Narito ang ilang COVID-19 jargon sa wikang Filipino

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal


Share

3 min read

Published

Updated

Source: SBS



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now