COVID-19 update: “Friends bubble”, ipapatupad sa NSW; Kaso ng coronavirus sa Victoria, lumagpas na sa 600

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 21, 2021

Extremists' blasted as hundreds march in Melbourne during another vaccine protest

Extremists' blasted as hundreds march in Melbourne during another vaccine protest Source: AAP/James Ross

  • Byron, Kempsey at Tweed sa NSW, sasailalim ulit sa lockdown
  • Bilang ng mga aktibong kaso sa Victoria, pumalo na sa 6,000
  • At dagdag na pondo para sa mental health services, inanunsyo sa ACT

New South Wales

Nagtala ng 1,022 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at sampu ang namatay.

Sa ngayon, umabot na sa 53 per cent ang mga nabakanuhan ng pangalawang dose.

Sasailalim naman sa pitong-araw na lockdown ang Byron Shire, Kempsey at Tweed, simula ngayong alas-singko ng hapon. Ito’y matapos matukoy na may isang nagpositibo sa COVID na galing Sydney at bumisita sa ilang lugar sa NSW north coast.

Simula ngayong araw, papapayagang magtipon ang grupo ng tatlong magkakaibigan na edad 17 pababa, basta’t nakatira sa parehong lugar at di lalagpas sa limang kilometro ang tinitirhan ng mga ito. Limitado lamang ang ‘friends bubble’ para sa mga nakakuha na ng dalawang dose ng bakuna.

Samantala, may alok na tulong pinansyal ang Australian Red Cross na para sa mga naka-temporary visa o mga walang hawak na visa at apektado ng lockdown sa NSW.

Victoria

Nagtala ng 603 na bagong kaso ang estado at isa ang namatay.

Ititigil naman ang operasyon ng construction industry sa loob ng dalawang linggo sa Metropolitan Melbourne, Geelong, Surf Coast, Ballarat at Mitchell Shire. Ito’y matapos magkaroon ng outbreak sa mga construction sites sa nabanggit na mga lugar. Sa ngayon, umabot na sa 403 ang bilang mga nagpositibo sa virus na konektado sa outbreak sa186 na construction sites.

Samantala, inaasahang makakatanggap ng higit 300,000 Moderna vaccine ang buong estado ng Victoria.

Australian Capital Territory

Sa Australian Capital Territory, may naitalang labing anim na bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Chief Minister Andrew Barr, magkakaroon ng labing apat na milyong dolyar na dagdag pondo na ilalaan para sa mental health, alcohol at drug services sa teritoryo.

Magpabook ng COVID-19 vaccination
Domestic violence during COVID-19 pandemic
Domestic infographic Source: SBS
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 update: “Friends bubble”, ipapatupad sa NSW; Kaso ng coronavirus sa Victoria, lumagpas na sa 600 | SBS Filipino